(unedited)
-
Kabanata 21
behave
Hindi ko alam kung paano na siya pakikitunguhan matapos ang nangyaring iyon. Halos hindi ako makatingin sa kanya nang dahan-dahan niyang ilayo sa akin ang kanyang mukha. Nag init ang aking pisngi ng makita ang kanyang nakapanindig balahibong ngisi.
"Let's go back there," paos ang tinig na utas niya sa akin.
Di ko alam kung bakit ang bilis-bilis niya akong napapasunod. Kung bakit ang bilis-bilis niya kong napapaluhod. Nakakainis.
"You behave," utas niya sa akin pero dahil sa halik niya ay medyo wala pa ako sa aking sarili. Napakurap-kurap ako ng hubarin niya ang kanyang coat at iyakap sa aking katawan. Kitang kita ko sa maroon polo shirt niya ang bakat at matipuno niyang katawan. Nag iwas ako ng tingin. Napatingin ako sa kamay niyang humila sa braso ko pagkakuwan. Should I let myself just forget? Should I just let myself get flowed?
Gulong-gulo na ako at sa totoo lang, habang tumatagal ay mas lumalalim at lumalakas ang nararamdaman kong kakaiba kay Red. Hindi ko iyon gusto. Hindi ko gustong manginig na parang timang sa harap niya. Hindi ko gustong maging sunud-sunuran na lang ako sa kanya. Alam kong may mali...alam ko dahil ginagawa ko ang lahat para lang huwag itong maituloy..pero habang tumatagal unti-unti akong nakakain ng nararamdaman kong ito.
"San kayo? Kanina pa kayo hinahanap ni Kate?" nakangising tanong ni Cade na siyang bumungad sa amin. Medyo hindi na gaanong maingay at tanging mellow music ang naririnig ko.
"D-dyan lang," utas ko at nilibot ang tingin sa paligid. Kakaunti na lang mga bisita. Hindi iyon nakapagtataka dahil malalim na rin ang gabi. Wala na ang iilang oldies sa may harapan kanina at tanging mga kasing edad na lang namin ang naiwang nagsasaya.
Nakita ko si Nadine na pasuray-suray na sa paglalakad. Namumula ang kanyang pisngi at namumungay na ang mga mata.
"May after pool party pa," utas ni Niccolo habang nakatingin kay Cade na ine-escort na si Nadine sa kausap nitong foreigner.
"Just let me go!" narinig kong piglas ni Nadine sa hawak ni Cade. Ngumisi si Cade pero wala iyong laman. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Bakit naglasing si Naddie?" tanong ko sa kanila. Bumuntong hininga si Kasey na mukhang medyo tipsy na rin habang si Niccolo ay nangalumbaba. Wala si Tristan at Kate.
"B-baka uuwi na ako, wala akong dalang pang swimming," ani ko.
"What?! Wag muna, Jaki!" Napaigtad ako ng marinig ang masayang tinig ni Kate sa aking likod. Pagkalingon ko ay naabutan ko nga silang dalawa ni Tristan.
"B-baka hanapin na rin ako ni tita--"
"Oh don't worry about tita. Nakapagpaalam na ko sa kanya kanina...so," anito at nginitian ako.
"You'll stay with us.." dagdag niya kaya wala kong nagawa.
Nag-stay muna kami rito habang inaayos ang pool. Nililigpit na rin ng mga tauhan nila Kate ang mga gamit sa garden.
"You'll swim?" napaigtad ako ng humaplos ang mainit na hininga ni Red sa tainga ko. Nag init ang aking mukha ngunit di ko iyon pinahalata.
"Siguro.." ani ko ng hindi siya tinitignan. Paano ko siya matitignan kung ang lapit-lapit niya sa akin?!
"it'll be better if you won't," utas niya uli na kinaikot ng mata ko.

BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...