(unedited)
-
Kabanata 19
chaser
Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun o hindi.
"Kung ganyan ka magda-drive, pagdating natin do'n tapos na ang party," utas ko sa kanya ng di na ko nakatiis.
Sinulyapan niya ako habang nakanguso siya. "Well, that's better then," bulong niya na kinasalubong ng kilay ko.
"Kate will be mad at you," ani ko.
Napabuga siya ng hangin at tinukod ang kanyang kaliwang siko sa bintana.
"Let's go somewhere else, Ja?" utas niya sa akin at binigyan pa ako ng nagsusumamong tingin.
"H-huh?" di makapaniwalang utas ko. Teka, tama ba ang rinig ko? He just called me "Ja"?
"I don't want them to see you--" Binato ko siya ng masamang tingin kaya napatigil siya. Muli siyang bumuntong hininga.
"Fine. You'll have my coat later," nakangisi na uling utas niya kaya napailing-iling ako. Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. He's acting like my...
Pinilig ko ang aking ulo at tinuon na lang ang tingin sa madilim na daan.
"You look beautiful in white, by the way," bulalas niya na nagpaubo sa akin.
Marahas ko siyang nilingon ulit.
"Stop doing that," inis na utas ko at inirapan siya.
"Stop doing what?" in-emphasize niya pala talaga iyon.
"Complimenting me...it's..not so you," utas ko at nag iwas ng tingin.
"Talaga. Hindi naman talaga ako ganoon," sang ayun niya sa akin kaya napaangat uli ako ng tingin sa kanya. He's weird!
"Eh bakit mo ginagawa?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"Kasi it's you...?" nakataas din ang isang kilay na sagot nya. Nag init ang mukha ko at inirapan na lang uli siya. Hindi ko talaga alam kung pinagti-trip-an niya lang ba ko or what!
Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay nina Kate. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang mga white flowers na naka-hang sa mga hanging plants sa paligid. Maging sa may footpath ay may mga naka-scatter na malilit na white flowers. Nakabukas ang mga lampposts sa mga gilid at kitang-kita ko ang enggrandeng stage. Gusto ni Kate na garden theme ang kanyang 18th birthday. Sobrang ganda dahil bumigay ang white theme color niya sa kanilang garden. Sa di kalayuan ay may nakita akong gazebo habang sa harapan ay may fountain na agad pansin. Ang ganda-ganda rin ng bahay nina Kate.
Nakalagay na ang mga pagkain sa tatlong mahahabang table sa may gilid. Maging ang gma table and chairs ay nakaayos na.
"Anong time start ng party?" tanong ko kay Red.
"7pm," tamad na sagot niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang nakatayo lang doon habang bagsak ang kanyang mga balikat.
"Why are you looking at me like that? I look like a god right?" nakangising asar niya sa kin at nilapit pa ang kanyang gwapong mukha. Halos masilaw ako sa kagwapuhan niya ng gawin niya iyon. Nag init ang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Twisted
Roman pour AdolescentsFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...