(unedited)
//
Kabanata 12
Stolen
"Okay ka lang?" Natigilan ako ng marinig ang malalim na tinig ni Niccolo mula sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kany at pilit na ngumiti.
"Hmm," sagot ko at tumango nang kaunti. Binaba ko ang aking tingin sa pagkaing kanina ko pa minu-murder. I admit, simula ng malaman ko ang relationship ko sa mga Villamor, para akong nawala bigla. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Napabuntong-hininga ako.
"Himala! Di kayo nag-aaway ngayon?" utas ni Nadine at nagsalit-salit ang tingin niya sa amin ni Red na blangko lang ang ekspresyon mula pa kanina.
"Wala ako sa mood," sabay naming utas ni Red. Nagsalubong ang tingin namin ni Red pero di ko iyon natagalan at nag-baba ng tingin.
Humalakhak si Cade. "She passed out when she learned---" naputol ang pambubuking sa amin ni Cade ng batuhin siya ni Red ng paper cup.
"Shut your mouth, Cade." inis na utas ni Red. Gusto kong sumang ayon sa sinabi niya ngunit wala akong lakas na magsalita.
"Jaki, this Saturday ha?" nakangiting utas sa akin ni Kate kaya't nagtataka ko siyang tinignan.
"Red will fetch you, right Red?" matamis ang ngiting iginawad nito sa nakabusangot na si Red.
"Whatever," utas nito.
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
Mula nang malaman ko na magkapatid kami, wala na akong guts na makipag away kay Red. It's really strange.
Natapos ang araw nang hindi kami nagkibuan ni Red. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin pero wala akong lakas na masalubong ang titig niya. Not now.
Ngunit mali yata ako.
Balak ko sanang ilagay na sa locker ko ang mga librong dala ko ng mapatigil ako sa paglalakad ng makita ang seryosong si Red na nakasandal sa dingding, katabi ng pinto ng locker room. Napalinga-linga ako sa paligid. Walang tao sa buong hallway dahil kanina pa tapos ang klase at nagpaiwan lang talaga ako para makapagbasa sa library. Mukhang wala na akong choice kundi tumuloy sa locker room. Kapag iniwasan ko siya ay mahahalata niyang may nag iba talaga sa gawi ko.
Pinagpatuloy ko ang aing paglalakad. Nakakabaliw ang nakabibinging katahimikan. Tanging ang paglakad ko lang ang ingay na naririnig namin. Sa buong durasyon ng paglalakad ko ay hindi niya inalis ang titig sa mukha ko.
"Why did you leave?" Nanlamig ang kamay ko at bumilis ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang talim sa tinig niya. Ayoko siyang tignan pabalik. Natatakot ako.
Lumunok ako. Nakatigil lang ako sa harap ng pinto ng locker room, hindi nag abalang tignan siya.
"I-I think it wasn't necessary to wake you up--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapatalon ako sa gulat ng hawakan niya ang braso ko.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa nag-aapoy niyang mga mata. He is mad. WHY?
"It is!" mataas ang tinig na utas niya. Nakaramdam ako ng inis. Bakit niya ako kailangang sigawan?
"Hindi! We're just classmates---!" mataas na rin ang tinig na utas ko ngunit pinutol niya iyon ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.
Ha?
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. A-anong ginagawa niya?

BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...