daughter

273 12 0
                                    

(unedited)

-

Kabanata 44

daughter


Last night was one of the most comfortable sleep I ever had.


Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko nang maramdaman ang marahang pagdampi ng isang malambot na bagay sa aking noo.


Agad kong nabungaran ang mapungay na mga mata ni Red. Tumatama ang sikat ng araw sa kanyang mukha kaya mas lalong nadepina ang natural niyang kagwapuhan.


Napaawang ang bibig ko nang bahagya ng makita ang ganda ng kulay-tsokolate niyang mga mata.


"Good morning, queen.." Nag-init ang pisngi ko nang marinig ang paos niyang tinig. Mukhang kagigising niya lang din.


Nahihiya akong sagutin siya dahil magkalapit ang mga mukha namin ngayon. Mamaya maamoy niya ang hininga ko...di pa ako nagto-toothbrush!


Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya habang titig na titig sa akin.


"Hey..." aniya at tinitigan ang labi ko.


Agad ko iyong tinakpan at nag iwas ng tingin.


"G-Good m-morning," halos hindi ko iyon mailabas sa aking bibig. Shit!


Dahan-dahang tumaas ang isang gilid ng kanyang labi nang maintindihan ako.


"Red!" utas ko sa kanya ng pilitin niyang tanggaling ang pagkakatakip ko sa aking bibig. Malakas siya pero hindi rin naman ako nagpapatalo hanggang sa kubabawan niya ako. I stiffened when I realized our position.


Damn! We are in bed! Danger!


Dahil nga na-divert ang atensyon ko sa posisyon namin ngayon sa kama ay natanggal niya ang kamay kong nakatakip sa aking bibig. Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking buong mukha ng bumaba ang mga mata niya sa akin.


Ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib ngunit hindi ko na lang iyon pinansin lalo na nang mahigit ko ang aking hininga.


Dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha sa akin hanggang sa mapapikit ako ng tuluyan niya ng sakupin ang aking labi.


Sinisigaw ng utak ko na kailangan kong mag-toothbrush pero sumasayaw ang puso ko ngayon sa galak habang marahan at masuyo niya akong hinahalikan.


"Don't be ashamed. I will kiss your lips until I die," mahina ang tinig na utas niya.

Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. Kitang-kita ko ang umaalong pagmamahal na nasa mga mata niya.


Shit. Why? Why do we need to be blood-related? Why should we be this forbidden?


TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon