(unedited)
-
Kabanata 20
Hinayaan
Hindi ko alam kung tama bang reply-an siya. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang matiim niyang titig. Di ko kayang tagalan ang kanyang tingin kaya't muli akong nagbaba ng tingin.
"Gosh! Kate is so beautiful!" narinig kong utas ni Nadine.
To Red
Why do you care?
Napabuga ako ng hangin ng ma-send ko na ang reply ko sa kanya. Yes, it sounds harsh but I need to do it. Ayoko ng ganito kami. Ayoko ng pinaparamdam niya sa akin.
Nagbigay ng munting message si Kate. Nagpapasalamat sa lahat ng kanyang mga bisita maging sa kanyang pamilya. Nakuha ng programme ang atensyon ko kaya't napangiti ako at nakipalakpak matapos ang kanyang message.
Dahan-dahang ipinakita ang paglalakad niya pababa ng stage kung saan mayroong puting carpet at may mga naka-scatter ng iba't ibang flowers. Mukha talagang isang dyosa itong si Kate.
Hindi ko na lang pinatuunan ng pansin ang pag vibrate ulit ng phone ko dahil alam kong text message na naman iyon ni Red. Tinuon ko ang atensyon ko sa birthday party ni Kate.
"Let's go, tutugtog na tayo," utas ni Tristan at tumayo na. Kitang kita ko ang kaba sa kanyang mukha habang nakasuksok parehas ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng suot na itim na slacks.
Pumalakpak si Nadine habang chini-cheer sila-- lalo na si Tristan-- na tinugunan lang kami ng isang nanginginig na ngiiti.
"I'm so excited for tonight!" utas ni Naddie na agad tinaguan ni Kasey. Napangiti lang ako at tahimik na nakinig sa emcee habang pinakikilala ang The Curse.
Nasa gitna si Kate at nakaupo roon sa napakagandang upuan sa gitna. Ang daming nagkikislapang camera sa harapan niya at panay ang kanyang ngiti at nakatingin sa harapan ng stage.
Medyo nagulat ako ng si Tristan ang nasa microphone stand at si Red ay nakatayo lang at maggigitara.
"OMG! Tristan will sing for her!" kinikilig na utas ni Nadine at hinampas si Kasey na todo-todo rin ang ngiti ngayon.
Nag umpisa na ang banda habang ang ingay ng paligid dahil sa hiyawan. Halos hindi ko na gaanong mapanood dahil may ibang mga bisitang babae na gustung gusto sa unahan upang mas makita nang malapitan.
"God! The Curse is playing!" narinig kong utas sa may likuran namin. Napailing iling ako.
Nanindig ang balahibo ko sa napakagandang instrumental.
"Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My life had found its missing pieceSo as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight"
Halos hindi kami makapaniwala na maganda rin pala ang boses ni Tris! Nakita ko kung paano napatayo si Kate mula sa pagkakaupo sa may gate at tinakpan ang kanyang mukha. Napangiti ako habang tinitignan ang kabado pa ring mukha ni Tristan. Dahan-dahan itong bumaba ng stage, nakasunod pa rin ang spotlight sa kanya maging sa birthday celebrant.

BINABASA MO ANG
Twisted
Fiksi RemajaFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...