-unedited-
* * *
Kabanata 7
See you there
Nag iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa text ng lokong si Red nang bumaling sa akin si Tristan.
"H-ha? Ano nga uli sinasabi mo?" wala sa sariling utas ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya daldal ng daldal at ako naman ay di na nasundan ang sinasabi niya dahil kay Red. Argh! Kainis talaga yun!
"Are you okay? You looked pissed...and sick," utas niya habang sinusulyapan ako.
"H-ha? Hindi..." ani ko at sinalat pa ang mukha.
"Your face looks flushed or something..." utas niya tinakpan ko na lang ang pisngi ko.
"A-ano ba yung sinasabi mo?" pagbabago ko sa usapan dahil baka mamaya ay usisain niya pa ako kung bakit ganito ang hitsura ko.
"I'm asking you if you can help me bought a gift," casual na tas niya habang nakatutok na ang attention sa kalsada.
"Gift? Oo naman," nakangiting utas ko at palihim na nakahinga nang maluwag dahil naliko ang usapan.
"Sinama mo lang ba ako rito para tulungan ka?" nakataas ang isang kilay na usisa ko sa kanya.
"Of course not, Jr! Gusto rin kitang maka bonding!" nakangising utas niya sa akin at kumindat pa.
Natawa ako sa ginawa niya at napailing iling. "Yeah, yeah. Maniniwala nga ako eh," nakangising asar ko sa kanya saka tumunghay na lang sa bintana.
Madaldal si Tristan kaya buong durasyon ng biyahe ay maingay kami. Kung anu-ano ang binubuksan niyang topic. Nakapag kwento pa siya ng buhay niya noong nanirahan siya sa States.
"We're here!" masayang anunsyo niya at mabilis na umibis ng sasakyan at umikot sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto.
"Salamat," nakangiting utas ko sa kanya.
Sabay na kaming naglakad papasok. "Sino ba ang reregaluhan mo?" usisa ko s kanya habang naghahanap kami ng magandang stall.
Ngumuso siya saka saglit akong sinulyapan. "Ayokong sabihin. I'm a bit shy, Jr," utas niya sa akin at dumapo pa ang kamay sa kanyang batok na parang bata.
Napangisi ako sa inasta niya. Mukhang may pinupormahan na ang isang 'to.
"In love ka 'no?" pang-e-echoes ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang napalingon sa akin ng nanlalaki ang mga mata.
"Sshh! Secret lang natin yon ah, Jr!" aniya sa akin at agad akong hinila sa aking palapulsuhan.
Natawa na naman ako sa inasta niya. "Di mo ba talaga sasabihin sa akin kung sino ha?"
"Paano mo nalaman?" mahinang utas niya nang naglalakad na lang uli kami ng matiwasay sa buong mall. Mukhang balak niya munang libutin ang buong mall bago mamili.
Inirap ko ang aking mata sa hangin. "Duh. It's written all over your face!" maarteng patutsada ko saka napangisi.
Nakita ko kung paano niya tinignan ang sariling mukha sa glass window na malapit lang. Hinaplos haplos niya pa ang mukha niya na parang timang doon! Napahagikgik ako. Kundi lang talaga 'to gwapo, nako.
Nakita ko pang kinilig yung saleslady na nasa loob ng stall na yon nang makita ang ginagawa ni Tristan. Napailing iling ako. Grabe. Grabe ang karisma nito.
"Obvious ba talaga?" wala sa sariling pagkausap niya sa sarili niya. Napapalatak na lang ako at hinila siya palayo roon. Pati kasi yung ibang namimili ay napapatingin na kay Tristan at kinikilig.

BINABASA MO ANG
Twisted
Genç KurguFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...