(unedited)
-
Kabanata 47
illegal
Nagising ako sa maingay na kalabog sa aking kwarto. Agad akong napabalikwas ng bangon habang kinukusot pa ang inaantok kong mga mata. Naririnig ko ang pagtawag ni tita mula sa labas ng aking kwarto kaya't nagmamadali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.
"Jakirah! Nandyan na si Ryzen!" medyo nagulat pa ako dahil tila histerikal ito.
"P-Po?" naguguluhang utas ko. Bakit nandito si Ryzen? At bakit siya kilala ni tita?
"Bilis! Sinusundo ka na niya..." aniya at agad na akong tinalikuran kahit na tatanungin ko sana siya kung anong meron at kung ano ang ginagawa ni Ryzen dito.
Mabilisan na lang akong nag-ayos ng sarili habang hindi pa rin maiwasan ang pag-iisip. Sobra akong nagtataka sa nangyayari.
Simpleng casual na damit lang ang suot ko. Faded jeans at black shirt na tinernuhan ko ng rubbershoes. Agad akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa baba. Sabado ngayon ngunit di ko alam na hindi binuksan ni tita ang Coffee Bean. Agad kong nakita ang seryosong pag-uusap nina tita at Ryzen sa may di-kalayuang table.
Agad napaangat ng tingin sa akin si Ryzen at sinenyasan akong lumapit sa kanila. Kahit medyo kinakabahan ay naglakad pa rin ako. Wala akong ideya sa nangyayari!
"Sorry I didn't text you earlier..." hinging-paumanhin niya kaagad ng makarating ako sa harapan nila ni tita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at i-react kaya tinapunan ko na lang ng tingin ang blangkong ekspresyon ni tita.
"Take care of her, Ryzen..." ani tita na kinaawang ng bibig ko.
"Ano nga oras ulit?" dagdag niya pa.
"Before 5PM po, tita..." nakangiting utas ni Ryzen na kinalaglag ng panga ko. Bakit ang casual-casual nila mag-usap?! Nagkakilala na ba sila before?
"Ah okay..." ani tita at tumango-tango pa. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila for Pete's sake!
"Jakirah, see you doon. Sumama ka muna kay Ryzen.." utas ni tita at magaan akong nginitian. Naramdaman ko ang pagkatunaw ng aking puso. Tumango-tango ako sa kanya habang hindi mawala ang masayang ngiti sa aking labi.
"O-Opo, tita..." ani ko.
Ngayong unti-unti na ulit akong pinagkakatiwalaan ni tita at unti-unti na ring bumabalik ang dati naming bond...ayoko na ulit na masira sa pangalawang pagkakataon ang relasyon namin bilang mag-tita. I won't waste the second chance she is giving me.
"So, let's go?" Nalipat ang tingin ko sa nakangising si Ryzen. Ang gwapo-gwapo niya sa simpleng maroon sweatshirt na pinaresan niya lang ng tight jeans. Naamoy ko rin kaagad ang shower gel na kanyang ginamit.
Tumango lang ako at nagpaalam na muli kami kay tita. "Sorry di kita nasabihan kagabi..." pag hingi niya ulit sa akin ng paumanhin habang naglalakad kami palabas ng Coffee Bean.
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...