(unedited)
//
Kabanata 11
my Queen
"Dito na po ba yun manong? Sigurado kayo?" tanong ko habang sinusuklay yung buhok ko gamit yung daliri ko. Sa sobrang pagmamadali ay di ko mana lang naayos ang sarili ko.
"Oho, mam! Ito na po yun!"sagot naman ni Manong. Nagpasalamat ako sa taxi driver at inabot sa kanya ang aking bayad.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng sinakyang taxi at humarap sa matayog at itim na gate na nasa aking harapan.
Halatang mayaman at may sinasabi sa buhay ang pamilyang Villamor. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang pinagmamasdan ang mansion sa di-kalayuan. Parang isang malaking kastilyo iyon na para lamang sa isang eleganteng pamilya. Pang-royal family kumbaga.
Hindi ko maiwasang alalahanin ang sinabi ni tita. Iyon na lang ang nagbibigay sa akin ng will para ipagpatuloy ito.
Gabi na ako ng makauwi sa bahay. Sarado na ang cafe ngunit tila may mali sa gabi dahil maagang sinarado ni tita ang mga ilaw maging sa itaas. Nang umakyat ako ay saka ko siya naabutang nakaluhod sa isa sa mga kabinet na ayaw niyang pabuksan sa akin noon pa man. Nagtataka ko siyang tinignan habang pinupunasan niya ang kanyang luhang dumalusdos sa kanyang pisngi. Hindi niya napansin na nakarating na ako. Ang tanging ilaw na gamit niya ay ang malaking kandilang nakapatong sa altar.
"Tita?" mahinang utas ko. Suminghap siya at lumingon sa gawi ko.
"N-nandito ka na pala, Jakirah..." medyo garalgal ang tinig na utas niya. Nag-aalala ko siyang tinignan. She looks so soft right now. Wala sa imahe niya ngayon ang mala-tigre niyang ekspresyon bilang tita at boss ko sa Coffee Bean.
Lumagapak ang tingin ko sa hawak-hawak niyang makapal na libro. I think it is a book.
"How old are you?" tanong niya bigla sa akin.
Naglakad ako palapit sa kanya. "18." utas ko, kahit nagtataka.
"Since nasa legal age ka rin naman na. I think I should tell you this. This is what I've been keeping since you were a kid." utas niya at tumayo dala-dala ang makapal na librong iyon.
Umupo siya sa malapit na upuan at nilapag sa may center table ang libro. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya't yon ang ginawa ko. Umupo ako sa kanyang harapan.
"This was your mom's journal..." Natigilan ako at di nakahuma ng ilang segundo. Tila ako nahipnotismong nakatingin lang sa makapal na librong iyon. Yes, it isn't a book but a thick, old journal.
"Naalala mo dati? I never told you who your father was." utas nito. Nag angat ako ng tingin kay tita at dahan-dahang tumango. That was my biggest question until now. Who is my real father?
"It was because I want to protect you, Jakirah, as well as his family." Tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi niya. My father has another family? That's why he leave me all alone?
Sumikip ang aking dibdib ngunit inignora ko iyon. Gusto kong marinig ang buong istorya.
Dahan-dahan niyang binuklat ang journal ni mama. Sa unang pahina ay may litrato ng isang babae at lalaki. Nasa likuran nila ay isang magandang tanawin. Nililipad ang mahabang buhok ng babae habang ang lalaki naman ay nakayakap ang isang braso sa baywang ng babae. They are my parents. No doubt.
"That was your father." utas nito. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Bakit ngayon lang? Sino siya? Bakit wala siya rito? Bakit?
"If you want to know him, go to Villamor's mansion. Meet him." seryoso ang tinig na utas sa akin ni tita at kinuha ang kamay kong nasa table.

BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...