shirt

753 30 2
                                    

Kabanata 3

shirt

Pagkarating namin sa cafeteria ay sobrang daming tao. Nag usap saglit ang tatlo at napagdesiyunang si Kasey na lang ang bumili ng aming pagkain. Lumabas kami sa crowded na cafeteria at doon kami naupo sa mga wood tables na nakakalat sa labas ng cafeteria. Pinili namin yung nasa lilim ng puno para nama hindi kami gaanong maarawan.

"Jaki, is it okay to ask you some questions? You really is something talaga, naku-curious ako sa yo," untag ni Nadine ng makaupo na kami.

"O-okay lang," ani ko saka ngumiti.

"Uhm, yung nangyari ba kanina is just a way para mapansin ka ni Red?" curious na tanong niya habang hindi nila ako maalisan ng tingin.

"R-red? Yung lalaking hambog?" ani ko.

"Yes, yung sinampal mo kanina," singit naman ni Kate. Ah, so Red pala pangalan n'on.

"Hindi ah! Bakit ko naman yun magugustuhan eh ang pangit nga ng ugali niya," nandidiring utas ko na kinatawa nila.

"Bakit? Anong nakakatawa?" nagtataka kong utas.

"You're so straight-forward. Hindi mo talaga siya gusto ganon?" ulit nila kaya napaismid ako.

"Hindi nga. Ano namang kagusto-gusto sa kanya?" natatawang utas ko saka umiling-iling pa.

"Eh, wait! How about Tristan? Do you like him? Bakit magkasama kayo kanina?" tanong naman ni Kate.

"Ah, si Tris? Nagkakilala na kami dati pa. Oo, I like him but as a friend only. Napakabuti niyang kaibigan. Nagkita lang kami kanina sa hallway tapos nilibre niya ko sa Starbucks," utas ko. Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Kate pero di ko na lang inusisa.

Napatingin kami kay Kasey na nilapag na ang tray na may lamang pagkain namin.

"Jaki, as your new friends, nilibre ka na namin!" masayang utas ni Kasey na kararating lang. Agad naman akong nahiya at nagpilit magbayad pero hindi nila ako pinayagan.

Nag-umpisa na kaming kumain ng ma-settle na ang lahat. Kung saan-saan napunta ang topic, mula sa favorite color ko hanggang sa kung bakit dito ako sa V.A. nag-aral ng college. They seem comfortable to be with kaya nasasabi ko sa kanila kahit yung mga personal na bagay tungkol sa akin. They're really nice.

Walang dead air dahil ang dami naming gustong malaman sa isa't isa. Kung hindi pa namin napansin ang oras ay baka hindi na kami naka-attend ng next class.

*

Pang-ilang beses ko na yatang sinipat ang aking relong pambisig. Alas-tres na ng hapon at alam kong sa mga oras na ito ay isinusumpa na ako ng tita ko. Dapat ay nakauwi na ako kanina pang ala-una pero dahil nga may one-week punishment ako ay nandito pa rin ako sa CR at nagdurusa sa pagkiskis ng mga inidoro at dingding. Napabuntong-hininga ako habang binibilisan ang pagkiskis. Kailangan ko ng matapos para matulungan ko na si tita sa coffeeshop.

Kasalukuyan akong nagkikiskis ng sahig dito sa men's comfort room ng mapatalon ako sa gulat dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking naka-black hoodie. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanyang nakikiramdam sa likod ng pintuan.

"Hoy! Hindi mo ba nakita ang signage sa may pinto? Bawal pumasok dito!" Inis na utas ko sa kanya kaya naagaw ko ang pansin niya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil sa makapal at malaki niyang hoodie.

"Ikaw na naman?" Pagkarinig ko palang sa boses niya ay parang nagpanting agad ang tainga ko. Wait, his voice is kinda familiar.

Ibinaba niya ang hoodie niya kaya napaawang ang bibig ko sa gulat at naturo ko pa siya gamit ang kamay ko na may hawak na iskoba.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon