welcome home

331 14 0
                                    

(unedited)

-

Kabanata 30

welcome home


"Jakirah!" masayang tawag sa akin ni Chaser nang makita akong bumaba mula sa kotse ni Red. 


Agad ko siyang sinalubong ng ngiti. Napag usapan namin na magkita na lang sa mismong resort. "Pwede namang mag-stay si Red sa resort," inform niya sa akin at ngumiti.

"Talaga?" masayang utas ko at nilingon si Red na deretso ang tingin sa amin ni Chaser.

"Yup. I will give you your dress mamaya sa cottage nyo," utas nito at may binigay sa aking susi.

Alam ko na agad na iyon ang susi para sa ookupahin naming cottage. "Thank you, Chaser, ah," ani ko sa kanya at binulsa ang susi.

"No problem. Tara samahan ko na kayo." aniya. Tumango ako at sinabi kay Red ang mga sinabi sa akin ni Chaser.

"Park ko lang. Kita na lang tayo sa loob," utas sa akin ni Red.  Tumango lang ako at tumakbo na uli palapit kay Chaser.

Sabay na kaming naglakad papasok ng beach resort.


Kakaunti lang ang mga taong nakikita kong naglalakad na malamang ay mga guests mamaya sa wedding.

"Sorry, Jakirah, ikaw pa ang in-invite ko. Di ko alam na boyfriend mo pala si Red..." utas niya habang nagkamot sa kanyang braso.

"Ah hindi, okay lang..." ani ko at tipid siyang nginitian. 


Agad kong nakita ang kotse ni Red sa may parking lot. Lumabas siya mula sa sasakyan habang deretso ang tingin sa akin. 


"Pare," utas ni Chaser kay Red at nag-offer ng kamay. Hindi tumugon si Red at natagalan pa sa pag-abot ng kamay niya kay Chaser.

"Salamat at nakapunta ka rin..." ani Chaser at nakangiti akong tinignan. 

Nginitian ko siya pabalik. Bumalik ang tingin ko kay Red ng umubo siya.

Nakabusangot ang gwapo niyang mukha. Kinagat ko ang aking ibabang labi at umiling. Ang seloso...

"Tara na..." ani Chaser na bumagsak sa titigan namin ni Red. Sumunod kaming dalawa sa kanya. Magkahawak kami ng kamay ni Red. Actually, nahihiya ako kay Chaser dahil in-invite niya lang naman ako tapos may kasama pa akong iba...pero mas okay na 'yun kaysa naman mag-alburoto na naman itong si Red. By the looks of it ay wala na siya sa mood ngayon palang...


"Why do you keep on smiling?" bulong niya sa akin habang naglalakad kami. Nagsasalita si Chaser tungkol sa bagong biling private beach resort na ito ng kanyang ate.

Hindi ko masundan ang mga sinasabi niya dahil kay Red.

"Masama ngumiti?" bulong ko rin sa kanya at inirapan siya. Ngumuso siya at hinapit ako sa baywang.

"Di ka ngumingiti sa akin lagi.." may pagtatampo sa kanyang tinig. Gusto kong tumawa dahil sa hitsura niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

"Palawan is really a great place, right?" utas ni Chaser at bumaling sa akin.

Tinikom ko ang aking bibig at saka ngumiti sa kanya. "O-Oo..." yun lang ang tanging lumabas sa aking bibig. 

Malalaki ang bawat cottage rooms na nadaraanan namin. Gusto ko rin ang exterior designs ng bawat cottages.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon