(unedited)
-
Kabanata 37
friendly date
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Nilabas ko ion at tinignan kung sino ang tumatawag.
Si Chaser!
Agad ko iyong sinagot at narinig ang masigla niyang pagbati sa akin.
"Hi, Jakirah!!" utas niya mula sa kabilang linya.
"Hello, Chaser! Napatawag ka?" usisa ko sa kanya. Ilang linggo na rin mula nang mangyari ang pag-attend ko sa wedding ng kanyang ate.
"Wala lang. I just thought of you..." utas niya.
Hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko sa sinabi niya kaya nanatili na lang akong tahimik.
"Anyway, I thought of you because I heard about you and Red..." Natigilan ako sa sinabi niya.
"H-Ha? S-saan?" utas ko. Paano niya nalaman?
"I told you, I have my ways," rinig ko ang ngisi sa boses niya. Napailing iling na lang ako.
"I wonder if you need company?" I sensed hope in his voice.
Nag-isip ako saglit. After class ay wala naman akong gagawin...might as well come with him kaysa naman ma-stuck na naman ako kakaisip tungkol ng sa amin ni Red.
Bumuga ako ng hangin.
"Kung free ka.." utas ko pagka kuwan.
"Of course! Uhm, sunduin na lang kita?" usisa niya sa akin.
"S-sige." utas ko at dagli na rin siyang nagpaalam dahil andoon na raw ang professor nila.
Napangiti ako at pinatay na ang aking phone ngunit napatalon ako sa gulat ng biglang may bumangga sa akin kaya't nabitawan ko iyon at nahulog sa sahig.
Marahas akong napaangat ng tingin sa wlang hiyang bumangga sa akin. Napakalawak ng hallway at walang katao-tao ngayon dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong banggain!
Napaawang ang bibig ko sa gulat nang magsalubong ang tingin namin ni Red. Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Ba't ka ba nangbabangga?!" iritadong utas ko at agad lumuhod at kinuha ang nabasag kong phone.
Nanghinayang ako nang makitang basag na talaga ito.
"Nakaharang ka kasi sa daan." malamig ang tinig na utas nito.
Naiinis ako. Bakit kailangan niyang maging ganito?
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...
