i love you

392 15 0
                                    

(unedited)

-

Kabanata 27

i love you


I love you.


Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso ng mabasa ang text message ni Red pagkagising ko sa umaga. Ang sarap makabasa ng ganito sa umaga.


Habang naliligo ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ang saya-saya ko. 


Pagkababa ko ay nakita ko na si Red na naghihintay sa ibaba. Nginisihan niya agad ako nang makita ako.


"Alis na po kami, tita," magkapanabay na utas namin ni Red.


Ngumiti lang si tita at sinabihan kaming mag ingat. Sumakay na ako sa black jaguar niya habang siya ay sumakay na rin sa may driver's seat.


Nag init ang pisngi ko ng kuhain niya ang isang kamay ko habang nagda-drive siya. Magkahawak kami ng kamay habang nagda-drive siya. Nilapag niya iyon sa may hita niya.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinanood lang siya. Ang gwapo-gwapo niya talaga...para siyang living god. Napaka-illegal ng kagwapuhan niya.


"I-I can't concentrate, Jakirah..." mahinang utas niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paglalaro ng thumb niya sa kamay ko.


Nag init pang lalo ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na...kami na...


Alam kong mali. Kasalanan. Pero hindi ko na mapigilan. Ginawa ko ang lahat...ang makakaya ko para pigilan ang nararamdaman ko...


Kung mamamatay ako at didiretso sa impyerno dahil sa ginawa kong ito...buong puso ko iyong tatanggapin...


I am more than happy because I have him. Because we can today...kahit wag na tomorrow, okay lang, at least na-experience ko na mahalin din niya pabalik.


Nakarating kami sa V.A. nang ganoon lang. Satisfied na kami sa katahimikan basta magkahawak ang mga kamay namin. Ang sarap sa pakiramdam na kahawak kamay siya. Mainit ang palad niya...


"Is it true? She's your girlfriend, Red?" untag agad ng isang babae sa amin. Nag init ang mukha ko ng bigla niya akong hapitin sa baywang.


"Yeah..." punong puno iyon ng ka arogante han. Kinurot ko siya sa tagiliran ngunit nginisihan niya lang ako. Ang yabang...


"My god! Red is taken!" mas lalong dumami ang mga estudyanteng kumumpol sa amin.


"I told you! Laging magkasama sila..."


"Baka naman pinikot niya."


"Hindi! I think ginayuma niya si Red or something..."


TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon