(Unedited)
Kabanata 9
Beast
Nasa kabilang row ang kinauupuan ni Kristina. Mula ng makita niya ako ay natuliro na siya. Parang wala siya sa sarili sa buong durasyon ng klase. At ako rin. Nakikinig ako pero lumalabs din agad ito sa kabila kong tainga. Lutang na lutang ako.
I didn't expect to see her again. I never expected that we will see each other again.
After what happened before...
Pinilig ko ang aking ulo para mawala ang mapait na senaryong iyon sa aking utak. Nang mag dismiss ng klase ay agad akong niligpit ang aking gamit.
"Nagmamadali ka ata, Jaki?" puna ni Kate sa akin ng makita ang ginagawa kong pagligpit ng gamit.
"B-baka mauna na ako sá cafeteria. See you na lang sa usual table," aligagang utas ko at agad sinukbit ang backpack ko sa aking balikat.
"Hintayin mo na kami. Ilalagay lang namin yung books namin sa locker," marahang utas ni Kasey.
"Oo nga, Jr, may lakad ka ba?" singit ni Tristan na nakataas pa ang isang kilay.
Pilit akong ngumiti sa kanila at umiling.
"W-wala. Na-ccr lang siguro ako. Bye," ani ko at di na pinansin ang pagtawag nila at agad ng lumabas ng classroom.
Mabilis ang lakad ko. Malalaki ang bawat hakbang. Alam kong pinapanood ako ni Kristina kanina. Ramdam ko ang tingin niya pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang iwasan. Ayoko siyang makita.
"Jakirah!" umalingawngaw ang pamilyar na boses na iyon sa mataong hallway. Kilala ko na agad ang tinig na iyon.
Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Don't talk to me. Don't come near me.
Halos mahulog ko na ang librong hawak ko at halos maitulak ko na ang mga estudyanteng nakaharang sa hallway sa sobrang pagmamadali ko. I want to escape. I want to run away.
"Jakirah, wait!" mas lalong lumakas ang tinig kaya lihim akong napamura at lakad takbo na ang ginawa.
Nakababa na ako ng building at papunta ng school grounds pero bago pa mangyari yon ay nahila na ako ni Kristina.
"Ano ba!" malakas na sigaw ko habang hinihila niya ako sa parte ng grounds na walang tao. Puno lang ang nasa paligid at may malapit pang kerubin fountain.
"Please talk to me, Ira..." nagmamakaawang utas niya ng masiguradong walang makaririnig sa amin.
"Pinlano mo ba 'to, Kristina? Na mag transfer dito para ipamukha sa akin ha? Para sa tuwing nakikita kita, maaalala ko ang ginawa mo ha?" di ko na napigilang utas habang nanginginig ang kamay ko sa galit.
Sunod-sunod ang iling na ginawa niya habang nangingilid ang luha sa mata niya.
"I-I'm sorry, Jakirah...I'm so sorry..." umiiyak na utas niya sa akin na lalong nagpainsulto sa akin.
"Ngayon ka lang nag sorry? After two years?" puno ng pait na utas ko at natawa.
"Alam mo, kung talagang you feel sorry, wag mo na akong kausapin uli! Just stay away from me!" utas ko at maglalakad na sana palayo ng magsalita uli siya.
"Klyde is also here..." utas niya na nagpatigil sa akin.
"So you're still together, congratulations," puno ng sarcasm na utas ko bago naglakad palayo kahit nanginginig ang tuhod ko sa naging engkwentro namin ni Kristina.

BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...