ing gegegman ta kaw

407 15 0
                                        

(unedited)

-

Kabanata 29

ing gegegman ta kaw


Makalipas ang higit isang oras ay nakarating na kami sa Coron, Palawan. Nakayakap sa akin ang gray jacket ni Red habang siya ay hawak-hawak pa rin ang kamay ko.


Nagulat ako ng may tumigil na isang sasakyan sa tapat namin. "I wish you safety, master." ani nang lalaking kasabay namin sa may helicopter. Tumango lang si Red at nagpasalamat doon sa lalaki at pinagbuksan na ako ng pintuan.

No doubt na sobrang yaman ng pamilya nina Red! Maging dito ay may kotse sila!


Nakita kong umalis na ang helicopter. Umikot si Red para makaupo sa driver's seat.


"I want to have a trip with you here in Coron first. Bukas na tayo pumunta sa beach resort?" aniya sa akin habang di niya pa pinapaandar ang sasakyan. Tumango lang ako. habang di mapigilan ang ngiti. First time na magkasama kaming umalis ni Red at pumunta sa isang lugar na kami lang dalawa. I feel my heart jumping with so much joy.


"Okay..." nakangiti ring utas niya at minaniobra na ang sasakyan. Saka ko lang napagtanto na convertible ang sasakyan nang mag iba ang ayos nito. Nawalan ng bubong ang sasakyan kaya't ramdam na ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko.


"Then, let's get going..." nakangising utas niya at hinagilap muna ang kamay ko at nilapag sa may hita niya bago pinaandar ang sasakyan.


Napangiti ako nang bilisan niya ang pagmamaneho. Ang sarap ng hanging humahampas sa mukha ko. Sumasabog din ang mahaba at itim kong buhok habang mabilis siyang nagmamaneho.


Marami kaming dinaanang magagandang view. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong kumuha ng litrato. Hindi ko rin maiwasang titig siya habang nakangisi at cool na cool sa pagda-drive.


Gustung gusto ko kapag dumaraan kami sa mga malalapit sa bangin. Pakiramdam ko ay sobrang laya naming dalawa ni Red.


"Tara," masayang utas niya at hinila ako.


Nakatigil ang na ang sasakyan at naglalakad lakad na kami sa isang liblib na bayan dito sa Palawan. Hindi ko alam kung nasaan na kami but I trust Red. May mga souvenir shops na nakahilera at iilang food stalls na may iba't ibang putaheng inihahanda na ngayon ko palang masusubukan.


"Take a picture...ma'am take a pic!" ani ng babaeng lumapit sa amin. Akala yata nila ay foreigner kami. 


"For couples...pictures.." nakangiting utas nito sa amin. Gusto kong matawa nang hapitin ako ni Red sa baywang at ilapit ang bibig niya sa tainga ko.


"For mag-asawa po," ani ng ale na kasama ng batang babae. Tila sila kabilang sa isang tribo ngunit medyo modernisado.


"mag-asawa raw..." nanunudyong bulong niya sa akin. Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran para magtigil.


"sure.." baling ni Red sa kanila at hinawakan muli ang kamay ko. Sinundan namin ang shop na pinag giyaan nila sa amin.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon