(unedited)
-
Kabanata 28
again
Pumayag si tita nang magpaalam ako. Kaya ngayon ay kausap ko si Chaser.
"Really? I'll fetch you--" Agad ko siyang pinutol.
"H-Hindi na. Red is with me...is that okay with you?" utas ko.
Natigilan siya sa kabilang linya. "Is he really need to come? Is he your boyfriend?" mahina ang tinig na tanong niya.
"O-Oo. Don't worry, he just want to accompany me there...but I will go with you alone sa wedding ng ate mo," ani ko sa kanya.
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Okay..then I'll just text you the venue?" utas niya.
Tumango ako kahit na di niya naman ako nakikita. "Yeah..."
"Okay! See you, Jakirah! ingat kayo.." masaya na uling utas niya sa akin at pinatay na ang tawag.
Pabagsak akong humiga sa aking kama. Nang malaman ni Red iyon ay hindi siya pumayag na ako lang mag isa ang pupunta roon sa venue ng wedding. Ayoko namang lumawig pa ang usapan at maulit ang pagtatalo namin.
At saka ayoko ring maiwang mag isa kasama si Chaser, though he is really a good guy, pero ayokong isipin ng mga relatives niya na mayroong something sa aming dalawa.
Maaga akong nagising kinabukasan. Naghanda lang ako ng isang bag para may pamalit akong damit kung saka-sakali. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko sa mismong wedding ng ate ni Chaser dahil siya na raw ang bahala sa lahat. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message kay Red ang nag-pop up sa screen.
From Red
I'm here.
Isang sipat ko pa sa aking repleksyon sa salamin bago tuluyang lumabas at bumaba. Marami-rami ngayon ang customer sa Coffee Bean. Agad kong nakita si tita sa may counter, kausap si Miya.
"'Ta, alis na po kami." paalam ko kay tita na abala sa pag asikaso at pag utos kay Miya.
Tumango lang ito at sinabihan akong mag ingat. These days napapansin ko na panatag na siya na payagan akong lumabas-labas dahil alam niyang kasama ko si Red. Hindi lang ako ang unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Red ngunit maging si tita.
Inayos ko muna ang laylayan ng suot kong puting dress na abot sa tuhod bago naglakad palabas. Agad nagsalubong ang tingin namin ni Red na cool na cool na nakasandal sa kanyang itm na Jaguar.
Nakita ko kung paano kumislap ang kulay-tsokolate niyang mga mata. Sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon habang sinusundan ako ng tingin habang palapit sa kanya.
Hindi siya nagsalita nang magkaharap na kami at nanatili lang na nakatitig sa akin.
Ngumisi muna siya bago ako pagbuksan ng pintuan sa may shotgun seat. Iningusan ko siya bago sumakay. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya para makaupo sa driver's seat.
"Saan daw yung venue?" tanong niya sa akin ng makaalis na sa parking lot ng Coffee Bean ang sasakyan niya. Ni-check ko ang phone ko kung may message na ba ni Chaser.

BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...