(unedited!)
-
Kabanata 36
asshole
Mula nanag gabing iyon ay tinupad ni Red ang mga binitawan niyang salita. Mula nang gabing iyon, I really did lose him.
He totally changed. The way he acts towards me. His behavior. Lahat-lahat. Bumalik siya sa pagiging Red Klefford Villamor. Sa isang lalaking hambog, mayabang at ginagamit ang kanyang pangalan par lang masunod siya. Gusto niyang paluhurin lahat sa paa niya at maging sunud-sunuran sa kanya. Sa isang pitik lang ng daliri niya ay nakukuha niya agad ang gusto niya.
"Nasaan na naman si Red?" I could hear irritation on Tristan's voice.
Walang umimik. Nakatungo lang ako sa librong binabasa ko. Ilang araw na rin ang nakalipas, at sa ilang araw na iyon ay nakita ko kung gaano nagbago si Red.
"Damn it! Ano bang problema n'on? Mamaya hindi na naman iyon a-attend ng practice!" iritadong utas ni Cade at napamura pa.
"CR lang ako..." paalam ko sa kanila para makatakas sa pinag uusapan. Wala pa silang alam sa kung anuman ang nangyari sa amin ni Red. Alam kong napa-puzzle na sila dahil nahahalata na nila ang pagiging distant ni Red sa akin. Nahahalata na rin nila kung sinu-sino ang nilalandi ni Red.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko at mas binilisan pa lalo ang paglalakad.
Nakarating ako sa CR ng girls. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao roon. Nanatili lang ako sa tapat ng salamin at pinakatitigan ang repleksyon ko. Sa mga nagdaang araw ay hirap ako sa pagtulog. Bukod kasi na nakikita ko na harap-harapan kung makipaglandian si Red sa iba, iniisip ko rin na naapektuhan ang banda nila dahil sa pagbabago niya.
Hindi na nga siya uma-attend sa practice nila. Maging sa klase.
Hindi ko alam kung saan siya pumupunta.
Naghilamos ako para mawala ang pamumula ng mata ko. Nang masara ko na ang faucet ay bigla akong nakarinig ng isang kakaibang tunog galing sa loob ng cubicle.
Napaigtad ako at napalingon sa cubicle sa may likod ko.
Wala naman akong kasama rito, a?
Kinabahan ako nang marinig uli iyon. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ko.
Kahit natatakot ay dahan-dahan akong naglalakad palapit sa cubicle na pinagmumulan ng kakaibang tunog. Posible bang may multo rito?!
Napalunok muna ako ng ilang beses bago mabilis na tinulak ang pinto ng cubicle. Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat nang makita ang nasa loob ng cubicle.
Nanindig ang balahibo ko nang magsalubong ang mga mata namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/49268311-288-k850054.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...