for ages

492 25 4
                                    

(Unedited)


Kabanata 10

for ages

Nanatili ang tingin ko sa mga maliliit na letra kahit na lumilipad ang utak ko. Nanliit ang mga mata ko habang paulit-ulit binabasa ang isang sentence sa libro ng Humanities namin.

Pinili kong ignorahin ang malakas na presensiya ni Red sa gilid ko maging ang maingay na bunganga ni Cade.

"I hate this stuff..." I heard Cade's complaint for the nth time now. Hindi na lang ako nag-angat ng tingin at pilit nag-focus sa pagsubsob sa binabasa kong libro.

"Jaki, can you help me solve this?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ang tinig ni Tristan na nakaupo sa harapan ko pero halos mapamura ako ng magtama ang tingin namin ng kanina pang nakatitig na si Red. Nag-init ang bumbunan ko sa inis. I can't help but to get annoyed by his actions.

I looked at him--- telling him through my eyes what the heck is wrong with him but the beast just flashed his evil smirk. damn.

"Jaki?" Nalipat ang atensyon ko kay Tristan na siyang tumawag pala sa akin.

"Yeah. Saan dyan?" usisa ko at agad niya namang pinakita ang problem na tinatanong niya. I'm not good at numbers but I am a fast-learner. My only weapon in solving Math problems is through reading and studying the lesson.

Agad kong nakuha ang hinahanap sa problem at itinuro iyon kay Tris. Today is Saturday and we are having group study at Tristan's place. Kasey suggested such and everyone agreed--- except Red and Cade but they went also for the practice of their band.

Hindi ko alam na may practice sila ngayon. I just really went here for the group study and later on go home. I don't intend to watch them.

"Thank you, Jr!" masayang utas ni Tristan ng matapos akong mag-explain. Sakto namang pagpasok ni Kate sa rooftop kung saan kami kasalukuyang nag-g-group study, dala-dala ang isang tray na may lamang snacks.

"You baked?" usisa ni Tristan at sinalubong si Kate saka kinuha mula sa dalaga ang tray.

"Yeah. I got bored eh so..." aniya at nagkibit ng mga balikat.

Cade clapped his hands energetically and wait for the tray to be placed on the table.

"Cupcakes!!" masayang utas nito at agad kumuha ng isa. Napangisi ako at napailing-iling.

"You shouldn't have that, Cade! You barely read your books!" utas ni Nadine at piningot si Cade.

"You should teach me." seryosong utas ni Cade ng ibaba na ni Nadine ang kamay niya mula sa pagkakapingot kay Cade. Kitang-kita ko kung paano natigilan si Nadine sa pag-iiba ng tono ng pagsasalita at ekspresyon ni Cade.

Nag-iwas ito ng tingin at muling umupo at humarap sa kanyang laptop. "Matanda ka na. Why should I teach you?" utas ni Nadine at nag focus sa report na ginagawa sa kanyang laptop. Muling nanumbalik ang ngisi ni Cade at walang pagdadalawang-isip na kinagat ang cupcake na hawak.

"Yeah, you're right." utas niya saka tumawa nang malakas. Napailing-iling si Niccolo na nasa isang sulok at tahimik na nagbabasa.

Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang malamig na tingin namin ni Niccolo. I can clearly still remember the last conversation we had...

"He wasn't a beast before. Someone and some things just turned him to be one." Natigilan ako ng magbago ang tono ng pananalita niya. I can't help but to see his serious expression. Something was on his eyes I cannot decipher.

"Why did he become like that?" marahang tanong ko habang nararamdaman ang unti-unting pag-ihip ng lungkot sa puso ko. I don't know, I feel something's off. I feel like I can feel how hard it is for Red even though I really don't know what happened.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon