unedited
------
Kabanata 5
Titig
Hindi ko alam ang gagawin ko ng magkasalubong ang tingin namin ni Red. After kasi ng incident sa CR ay di na kami nagpansinan at nagkibuan. We both treat each other like the other person never existed.
Syempre, mas pabor yon sa akin dahil kahit sandaling panahon lang kaming nagkalapit ay ayaw ko na agad sa antipatiko niyang ugali. Talagang hindi magkakasundo.
"OMG, Jaki!" masayang utas ni Kate at agad akong sinunggaban ng yakap kaya naputol ang pag iisip ko. Ginantihan ko ang yakap niya at nginitian sila pero hindi na uli ako sumubok tingnan ang Red na yon kahit pa ramdam na ramdam ko ang titig niya sa 'kin.
Niyakap din ako ni Kasey habang nakatingin lang si Niccolo sa isang tabi.
"You're working here..." utas ni Kasey ng kalasin niya na ang pagkakayakap sa akin. Nahihiyang tumango ako. There's no point in denying it, it's really obvious.
"Eh, bakit nga pala kayo nandito?" usisa ko ng makaupo na kami. Katabi ko si Kasey habang katabi naman niya si Kate. Parang batang tumabi sa isang gilid ko si Tristan na hindi matanggal ang ngisi sa kaniyang labi habang blangkong umupo sa tapat namin si Niccolo. Katapat niya si Tris at katapatko naman at si Red. Katabi niya si Cade.
"Red suggested this place--" utas ni Naddie na di namin namalayang nakabalik na pala at saka umupo sa tabi ni Cade.
"What the fuck are you talking about, Nadz!" malakas at puno ng inis na utas ni Red, pinutol ang sinasabi ni Nadine.
Nakita ko kung paano umirap si Nadine dahil sa kabastusan ng ugali ni Red.
"I'm just being honest here!" aniya.
"Eh bakit kasi kasama pa sila? Tayo-tayo lang kaya yon!" nakabusangot ang mukhang utas ni Red. Nakakainis talaga ang ugali niya! So, parang pinapaalis niya kami rito? So outcast lang kami, ganon?
Alam ko kung bakit nagkakaganyan si Red. Nadine has been the closest girl in the Curse. Mula palang pagkabata ay magkakaibigan na sila. Di ko alam kung matatawag bang suwerte si Nadine dahil doon pero talagang kinaiinggitan siya ng karamihan, lalo na ang mga babaeng patay na patay sa The Curse.
"Alam mo, you're so rude! Ikaw lang ba ang kaibigan ni Nadz dito? Kami rin kaya!" di ko na napigilang sagot sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa sobrang inis sa hinayupak na 'to!
Nakita ko kung paano lalong lumukot ang mukha niya dahil sa narinig sa akin.
"Hoy, babae. Baka nakakalimutan mo na bagong salta ka palang, kung makapagsalita ka diyan akala mo kilala mo na si Nadz mula pagkabata! At saka, wag mo nga siyang tawaging 'Nadz', ako lang tumatawag sa kaniya 'non!" malakas ang tinig na utas niya. Nakita kong napapatingin na sa min ang ibang customers. Buwisit na lalaking 'to! Ke lalaking tao ay palengkero! Kung magsalita akala mo ang kausap ay nasa kabilang ibayo! Parang walang class. Kung hindi pa sa mga branded niyang V-neck shirt, trousers at sapatos pati na rin relo ay aakalain mo talagang taga bundok siya. Well, i-disregard na lang ang perpekto niyang mukha at kutis dahil talagang nagsusumigaw ito ng kayamanan. Napairap ako ng lihim sa aking naisip.
"Oh, chill!" tatawa-tawang singit ni Cade na halatang aliw na aliw sa nangyayari.
"'Wag nga kayong mag-away. Sa tuwing kumakain tayo sabay-sabay ng lunch ay halos di kayo magpansinan! Tapos ngayon naman, nagsisigawan kayo na parang mga bata!" asik ni Nadine sa amin kaya natahimik ako. Yumuko na lang ako at pinabayaan na lang na titigan ako ni Red.
Totoo yon. Lagi kaming sabay sabay na kumain ng lunch sa V.A. at talagang patay malisya lang kami sa isa't isa ni Red. Ayoko siyang kibuin at pansinin at ayaw niya rin kaya the feelings are mutual.
![](https://img.wattpad.com/cover/49268311-288-k850054.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...