ayoko na

269 16 0
                                    

(unedited)

-


Kabanata 34

ayoko na


Ang hirap iwasan ni Red. Hindi ko pa kayang harapin siya at sabihin lahat-lahat sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang saktan siya.


"Nag away ba kayo ni Red?" usisa ni Nadine ng umupo kami sa isang table sa cafeteria. Napapansin na rin nila ang pagiging distant ko kay Red. Mabuti na lang ay busy ang The Curse dahil sa banda.


"H-hindi," pagsisinungaling ko para hindi na humaba ang usapan.


"He is somehow, down lately..." utas ni  Kate at malungkot akong tinignan.


"Yeah...and you too.." ani Kasey na kanina pa nakatingin sa akin.


Ngumiti ako sa kanila at pilit iniba ang topic.


Nagtagumpay ako dahil napunta ang topic kina Nadine at Cade. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa, palagay ko ay nagdi-date na sila.


Nakisabay ako sa mga kwento at hirit nila pero deep inside ay wala akong maramdamang kahit anong saya. I'm happy for them yes, but somehow I feel empty.


And hollow.


Tapos na ang klase. Niyayaya ako nina Kate na sumama sa panonood ng basketball practice ng The Curse ngunit umayaw ako.


"Pinapatulong kasi ako ni tita sa Coffee Bean..." utas ko.


Totoo iyon. Naging mahigpit sa akin si tita mula ng araw na iyon. Ayaw niya na akong makipaglapit kay Red. Maging ang pag sundo at hatid.


Nanghingi ako ng space. Pumayag si Red kahit na alam kong labag sa loob niya.


Ramdam ko ang tingin niya habang palabas ako ng classroom. I don't mind. 


"Miss Reyes." Napalingon ako kay Mr. Wattson. May dala-dala siyang sandamukal na paperworks.


"Pa-arrange naman nito sa office...we need help eh.." aniya sa akin kaya kahit na ayaw ko ay pumayag ako. Ngumiti ako at nag-offer na ako na ang magdadala nito sa admin's office.


"Salamat. Babalik na ko sa klase ko," nakangiting utas niya at mahinang tinapik ang balikat ko.


Bumuntong-hininga ako nang tuluyan na siyang makalayo. Mukhang kailangan ko pang mag-stay ng ilang oras dito...


Okay lang. For sure, nasa court lang naman sila Red kaya hindi nila ako makikita.


Nag text ako kay tita na may aasikasuhin ako sa office. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngunit pinapansin niya na ako kahit papaano. Hindi na multo ang turing niya sa akin.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon