(unedited)
-
Kabanata 49
twisted
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpatianod na lang din ako sa hila niya. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang magkahugpong ang mga kamay namin, natatakot ako na baka may makakita sa amin.
Natigilan ako ng tumigil na kami sa ilalim ng isang mayabong na puno. Madilim ang paligid at tanging ang maliwanag lang na buwan ang tanglaw namin.
Agad nanginig ang mga kalamnan ko nang magsalubong ang tingin namin.
"Happy birthday..." mahina ang tinig na utas niya sa akin. Natigilan ako ng itaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahang ibinuka ang kanyang palad. Napaawang ang bibig ko ng malaglag ang isang magandang infinity pendant. Agad iyong kuminang sa tama ng buwan.
It is a gold necklace!
Hindi pa ako nakakahuma sa pagkabigla ng utusan niya akong tumalikod. Nang hindi ko siya nasunod ay siya na mismo ang gumiya sa katawan ko upang tumalikod sa kanya. Nilipon niya ang buhok ko at pinahinga sa may isang side ng aking balikat saka niya dahan-dahang isinuot sa akin ang kwintas na may infinity pendant.
"This means..." utas niya na halatang binitin pa ang mga salita.
"Whatever happens, you and I...just like this twisted infinity pendant, will go round and round...forever...non-stop...we'll still meet repeatedly...just like the infinity," bulong niya sa likod ng aking tainga.
Nanginig ang labi ko habang nag-iinit ang mga mata.
Marahan kong hinaplos ang gold infinity pendant habang malamlam ang mga mata. Dahan-dahan nya akong hinarap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
"Jakirah, promise me..." utas niya at masuyong hinaplos ang aking pisngi.
"Promise me you will not forget...that sometime in your life, I gave you this pendant and we...somehow loved each other...amidst our bitter fate," mahina ang tinig na utas niya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. I don't like this feeling. I don't like the path we are heading...
"Promise me..."
Mabagal akong tumango at pilit pinipigilan ang paglandas ng mga luha sa mga mata.
Why? Why does it feel like...he's saying good-bye?
Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko.
"A-Are we going to forget...what has happened?" mahina kong bulong habang nakatitig sa kulay-tsokolate niyang mga mata.
Tumututol ang puso ko...ang buong pagkatao ko sa isiping kailangan naming kalimutan lahat ng nangyari sa amin...ayoko...ayoko!
BINABASA MO ANG
Twisted
Novela JuvenilFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...