his fiancee

258 12 0
                                    

(unedited) this chapter pinched my heart. i feel bad for making Jakirah feel this way.... :---(

-

Kabanata 41

his fiancee


Today is Saturday.


Today is his birthday. Tila may kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ang cellphone kong nasa bedside table. Gusto ko siyang batiin kaninang alas-dose ng madaling-araw palang ngunit hindi ko makayang mag-message sa kaniya. Iniisip ko na baka ma-weird-uhan siya kung gagawin ko iyon.

At ngayong pagkagising ko, hindi ko maiwasang mag-isip kung sino kaya ang unang bumati sa kanya ng Happy birthday!


Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at dahan-dahang inabot ang phone ko sa may bedside table at pinakatitigan ang pangalan niya sa may screen.


I want to be the first person to greet him on his special day but...


I can't even do it.


Pakiramdam ko kasi ay wala akong karapatan. 


Nahihiya ako.


Bumuntong-hininga ako at pilit na pinagaan ang mabigat na dibdib. Tila may nakadagang napakalaking bato ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi iyon maganda.


I will greet him, later.


Iyon na lang ang pilit kong sinisiksik sa utak ko at nilayo na sa paningin ang aking phone. Gabi gaganapin ang birthday party ni Red ngunit mag-s-start iyon bandang 5:30PM kaya may oras pa akong ihanda ang sarili sa kanyang party. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari ngunit sa tingin ko ay wala namang gaanong mangyayari. Tulad na lang ng mga nakaraang buwan, naging civil kami sa isa't isa...naging normal muli ang takbo ng buhay ko...


But I feel so empty in those times. Until now.


Simple lang ang pinili kong suotin. Alam kong puros magagara ang mga suot ng mga bisita ni Red ngunit 'di ko na lang pinagtuunan iyon ng pansin. Ang mahalaga naman ay mabati ko siya ngayong gabi...at maibigay ko ang simple kong regalo.


Bumaba ang tingin ko sa hanggang tuhod kong puting dress. Manipis lang ang dress at sleeveless iyon. Hakab na hakab ang aking katawan sa dress at palobo ang laylayan niyon. Napangiti ako at hinayaang nakalugay ang itim at straight na buhok. Nakita ko ang kwintas ni mama kaya't naisipan ko iyong isuot, maging ang mamahaling hair clip na may maliliit na diamond sa flower design nito.


Bumagay iyon sa mahaba kong buhok. Napangiti ako habang inaayusan ang sarili.


Napaigtad ako ng makarinig ng mahinang katok mula sa labas ng kwarto ko. Naglakad ako papunta roon at binuksan ang pinto.


"Nandyan na ang sundo mo," ani tita at hindi man lang nag-abalang tignan ako.


"S-sige po," utas ko at kinuha ang box kung saan nakalagay ang regalo ko kay Red.

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon