doughnuts

402 14 2
                                    

(unedited)

-

Kabanata 24

doughnuts


Umaga palang ng Intrams ay nandito na kaming lahat nina Kate. Busy kami sa kanya-kanyang clubs, pagtulong sa pag-establish ng bawat booths at pagdikit ng mga designs sa booth. Kumakalat din ang halimuyak ng mga food stalls, maging ang ganda ng stage sa gitna ay hindi papalagpas. Busy ang Student Council sa ginagawang mga banderitas para sa Intrams. Magulo at maingay na ang lahat, excited para sa kaabang abang na event na ito.

"Manunood ba kayo ng basketball game?" tanong sa akin ni Kasey na kararating lang. Katatapos lang daw nila sa Theater Club. 

"Maglalaro sina Cade, right?" usisa pa nito at tinignan sina Kate at Nadine. Si Kate ang tumango habang may ka-text sa kanyang cellphone--- si Tristan for sure.

"Sabi ni Tan, mga ala-una raw?" anito at nag angat ng tingin sa amin.

"Tara nood tayo! Malapit na mag-one." ani Nadine.

Agad kaming sumang ayon kaya't mabilis na kaming pumunta sa malawak na court ng V.A. Sa labas palang ay kitang-kita ko na ang mga maiingay na students. 

"Sino kalaban?" usisa ko habang naghahanap kami ng vacant seats. Dapat pala ay mas nauna kami.

"Tan covered our seats. Let's go," ani Kate at sinundan namin siya. Agad naming nakita ang kumakaway na naka-jersey na si Tristan. Agad kaming pumunta roon sa may baba, kasama namin ang mga gamit nila na nasa bleachers.

"Good luck!" matamis ang ngiting iginawad ni Kate kay Tristan at matunog itong hinalikan sa pisngi.

Napaigtad ako ng mag vibrate ang aking phone sa bulsa ng aking suot na palda.


From Red

Skirt, huh...


Nag init ang pisngi ko at hinanap siya ng aking mata. Nakita ko siya sa may kabilang gilid ng court, nakasandal sa isang post ng court. Kitang kita ko mula rito ang ngisi niyang nakakapanindig balahibo.


To Red

SHUT UP!


Denim skirt ang suot ko ngayon. Binili kasi ako ni tita nuong weekend ng skirt, at naisip ko na agandang isuot iyon ngayong araw dahil Intrams. Feel ko lang mag suot nang ganito dahil sanay rin ako sa mga pantalon lang.


Itatago ko na sana ang phone ko dahil alam kong bubwisitin na lang ako ni Red ng muli itong mag vibrate. 

"Jaki, upo na tayo.." yaya sa akin ni Kasey kaya't ngumiti ako at sumunod na lang sa kanya sa pag upo.

Muli kong binasa ang text message ni Red.


From Red

Just make sure, your undies won't peek...


Gusto kong sumabog na tila bulkan ng mabasa ang walang hiyang reply niya. Literal na ang init ang buong mukha ko at gusto ko na lang iyong takpan.

"Are you okay, Jaki? Namumula ka..." untag sa akin ni Kasey ng mapansin ang pamumula ng aking mukha.

"O-okay lang.." ani ko kahit na obvious naman na hindi. Napabuga ako ng hangin at pinatay na lang ang phone ko. Ayoko sanang masalubong ang tingin niya ang kaso ay pag angat ko ng tingin ay nagsalubong agad ang mata namin. Lumabi siya at ngumisi na parang timang kaya lalong nag init ang pisngi ko. Darn this guy!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon