(unedited)
-
Kabanata 33
mali
Matapos ang maiksing bakasyon namin sa Siargao ay bumalik na rin kami agad dahil hindi pa tapos ang klase.
Nagtaka ako dahil pagkabalik ko ay ang seryosong mukha agad ni tita ang bumungad sa akin.
"Tita..." utas ko at sinara ang pintuan sa likuran ko.
Nagtaka ako dahil sarado ang Coffee Bean eh linggo ngayon. Dapat bukas ngayon ang shop dahil marami kaming customers pag weekends.
Tatanungin ko sana siya kung bakit sarado ang Coffee Bean ng isang malakas na sampal ang bumungad sa akin.
Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat at napasapo sa nasaktang pisngi. Ramdam ko ang kirot at hapdi sa sampal niya. Talagang tumabingi ang mukha ko.
Nag init ang gilid ng aking mga mata at tinignan siya. Kitang-kita ko ang panlilisik sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nanginginig din ang kanyang labi sa labis na galit.
"Alam mo?" mahina iyon ngunit sapat na upang marinig ko. Noong una ay hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya't naguguluhan ko siyang tinignan.
"Alam mong Villamor si Red, Jakirah, hindi ba?" matalim ang tinig na utas niya sa akin.
Nanigas ako sa kinatatayuan habang hindi nakahuma sa rebelasyong sinabi niya.
Alam na ni tita...
Pinigilan ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko ngunit hindi ko na iyon mapigilan. "T-Tita..." nanginginig ang tinig na utas ko at pilit siyang inaabot ngunit winawaksi niya ang kamay ko.
"Nakakadiri ka!" malakas ang tinig na utas niya sa akin. Kitang-kita ko ang iba't ibang emosyon sa mga mata niya. Galit...Lungkot...Panghihinayang...
"Alam mo na ang totoo pero tinuloy mo pa rin? Jakirah, ganyan ba kita pinalaki?!" hindi makapaniwalang utas niya sa akin at humakbang paatras sa akin na tila ba nag iba ako. Na tila ba hindi niya ako kilala. Na tila ba nandidiri siya sa akin.
Nagsipag patakan ang mga luha ko. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako. Makita ko palang ang reaksyon ni tita ay pinanghihinaan na ako ng loob. Paano pa kaya kung malaman ito ni Red? Tiyak na kamumuhian niya ako...
"Hindi kita pinalaking ganyan! Jakirah! Gumising ka!" namumuhing utas niya sa akin at pinalis ang luhang nalaglag sa mga mata niya. Napapikit ako at napaupo habang patuloy sa malakas na pag iyak.
"T-tita..." utas ko at nag angat ng mukha sa kanya.
Hindi ako makahinga sa sobrang pag iyak pero hindi ako papayag na hindi mag explain sa kanya.
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionFor Jakirah Reyes, life is just a simple game. You do to others what you would have them do unto you. That simple. But, never she knows how twisted her life is. Just like an infinity. She never expected that she would experience a love that is so tw...