Chapter 3
Nakarating kami sa bahay bago mag 7. Sandali lang ang byahe namin. Kabado pa din ako dahil baka magalit si tita.
"We're home." Aniya Sam. Tumungo na kami sa kusina at baka nag aagahan na sila.
"Bakit ngayon lang kayo?" Nakataas na kilay ni tita Len.
"Well. We're sorry mom. Napadami ang inom ko so i decided to slept at my friend house. Sinamahan ako ni Zoey. I can't drive because im drunk." Pagdadahilan ng pinsan ko. Ang galing niya. Sabagay anak eh.
"Oh sige kumain na kayo dito." Aniya.
"Tita asan po si Andrew?" Wala kasi dito sa kusina eh.
"Nasa kwarto pa niya ata. Puntahan mo na at makakain." Aniya. Tumango na lang ako at tumingin kay Sam kinindatan niya pa ako. Napailing na lang ako. Tumungo na ako sa kwarto namin.
"Hey, Drew? Tara kain na tayo?"
"Hi ate! Andito kana pala. Tara hinihintay kita kanina pa eh." Aniya
"Pasensya na ah. Bawi na lang ako gusto mong mag mall?" Pagyaya ko sa kanya. May trabaho pala ako. Saturday and sunday ang day off ko. Sa restaurant ako nagtatrabaho. Its either Receptionist or waitress.
"Talaga ate? Yehey!" Tuwang tuwa ang kapatid ko. Ang gaan sa pakiramdam. Parang baby ko na nga yan eh. Napakasweet.
"Yup. Kumain muna tayo sa baba ng breakfast then take a bath before we go. Ok?" Tumango tango naman ang kapatid ko. Bumaba na kami sa baba para kumain. Patapos na din kumain si tita.
Pagkakain namin ng agahan naligo na ako. Tinitigan kong mabuti ang katawan ko sa salamin dito sa loob ng banyo.
Shit! I have a redmark! Malapit sa dibdib meron akong chikini! Sa pusod meron. Sa hita ko meron din! Ganito ba siya kapusok?
Kumuha ako ng sabon at kinuskos ko ng madiin ang buong katawan ko. Nangdidiri ako. Ako nakipagtalik sa hindi ko kilala? Pero bakit ganun? Diba dapat matrauma ako kasi parang nirape niya na ako nun eh.
"Aish!!!" Sigaw ko sabay gulo ng buhok ko. Hibang ka na talaga Zoey.
Kuskos ako ng kuskos ng katawan kahit medyo humahapdi na ito dahil sa diin na ginagawa ko. Sabay buhos ng tubig sa katawan ko.
Natapos na akong maligo at nagbihis na ng jeans at t-shirt na printed. Na nakalagay ay 'AQUAWAR' at may 10 na number sa likod. Idol ko din itong banda na ito lalo na si Green. Pero hindi ako die hard fan.
"Ate im ready." Biglang pumasok at pinakita sakin ang ayos niya.
"Wow. Ang gwapo naman ng kapatid ko. Binata kana ah. Marunong kana pumorma." Hinalikan ko naman siya sa pisngi. Mag ate nga kami.
"Syempre mana kay ate. Tara na ate. Excited na ako." Tumatalon talon pa niyang sabi.
Nagpaalam kami kay tita na lalabas kami sandali at pumayag naman ito. Mabait naman si tita kahit papaano. Pumara na ako ng taxi at sumakay kami.
Nakarating naman din kami agad sa mall. "Andrew san mo gusto pumunta?" Tanong ko para maenjoy naman niya ang araw na ito.
"Sa arcade tayo ate. Yehey! Makakapaglaro ulit ako." Pinagbigyan ko naman ang kapatid ko.
Bumili ako ng token para sa kanya at sinamahan siya kung san niya gusto maglaro. Naglaro siya ng naglaro hanggang napagod siya. Ako din naman nagtry maglaro sa pang adults kaya enjoy ko din.
"Tired? You want to eat?" Yaya ko baka gutom na ito eh. Medyo gutom na din ako.
"Sige ate sa Mcdo tayo ah." Sumang ayon naman ako sa kanya at naglakad papuntang Mcdo.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficción GeneralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen