Chapter 41 (Down)

3.9K 71 8
                                    

Chapter 41

"Thanks God! You're awake!" Pagdilat ko pa lang ng mata ko boses agad ni Zach ang narinig ko. Gusto ko pang matulog. Pagod na pagod ako.

"Wake up babe." Ani ng isang boses na malambing. Ngayon lang ako nagtauhan. Napabalikwas naman ako at umupo para makaharap siya.

"Zach? Zach? ZACH?!" Sigaw na sabi ko. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya tsaka napaiyak.

"Why are you crying babe?" Aniya. Awang awa ako sa kanya. May mga pasa siya at ang daming galos. Nakaupo siya malapit sakin. Mukhang mahina pa siya.

"Bakit andito ka? Dapat nagpapahinga ka. Ok ka lang ba? Anong gusto mo?" Napailang naman siya sa sinabi ko.

"I'm totally fine. Ikaw dapat ang magpahinga. Makakasama sa baby natin yan. Ok na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Wag ako ang tanungin mo. Ok na ok ako. Wait. Sh!t! Si Andrew? Asan siya? God!" Sunod na sunod tanong ko. Yung kapatid ko. Hindi pa pala siya maayos.

Pinunasan naman ni Zach ang takas na luha ko sa pisngi ko. "Everything will be ok. Calm down babe. Kailangan mong magpahinga." Hinaplos haplos niya naman ang pisngi ko. Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko.

Hinawakan ko din siya sa pisngi sa may bandang may sugat. Nakakaawa ang itsura niya ngayon. Nabawasan ang kagwapuhan niya.

"Magiging ok ang lahat. Magiging ok din si Andrew." Ani ko na pinapalakas ang kalooban ko. Pagsubok lang to. Marami na akong napagdaanan ngayon pa ba ako susuko? Syempre hindi.

"Bakit nandito ka? Doon ka nga sa kwarto mo. Kailangan mong magpahinga." Ang kulit niya kasi. Alam kong hindi malala ang sugat at galos niya pero mas makakabuti sa kanya kung magpapahinga siya.

"Ok nga lang ako." Aniya. See?

"Pu-puntahan natin si A-andrew?" Sabi ko.

"Ok kana ba?"

"Oo." Wala na rin siyang nagawa kaya pumunta kami sa kwarto ni Andrew. Nandito na kami sa labas ng kwarto niya. Nasa labas pa lang kami pero grabe na ang luha ko paano kaya kung nasa loob na kami?

Pinasuot kami ng hospital gown at mask para makapasok kami sa loob. Habang papasok kami sa loob mahigpit na hinawakan ko si Zach dahil kung hindi baka matumba lang ako.

Ng tuluyang makita ko na si Andrew sa loob muntik na akong matumba buti na lang ay nahawakan ako ni Zach. Kung naawa ako kay Zach times ten naman ang awa ko kay Andrew.

May benda siya sa ulo. Maraming aparato at dextrose ang nakakabit sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Marami rin siyang sugat, pasa at gasgas. Meron din siyang malaking hiwa sa bandang likod ng bicep niya. Malaki at mahaba ito.

Umiyak na lang ako ng tuluyan. Grabe ang natamo ng kapatid ko dapat ako na lang wag na siya. Mas nahihirapan at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan ang kalagayan niya.

Napayakap naman ako kay Zach. Ganito na ba ako kamalas? Tatanggapin ko lahat Lord wag lang po ang iwan ako ng mga taong nasa paligid ko.

Lumapit naman ako sa higaan niya at laking gulat ko ng may babaeng natutulog sa tabi ng kapatid ko. Nakaupo siya sa upuan at ang ulo niya ay nakaub-ob sa higaan ni Andrew. Kaedad niya lang ito.

Tinapik ko naman ang babae at mukhang nagising ko nga siya. Tumingin siya sakin at lumaki ang napaka ganda niyang mata. Ang ganda ng babaeng to.

"Miss? Kilala mo ba yang kapatid ko?" Pormal na sabi ko. Humihikbi pa ako pero hindi na ganun kalakas.

"Opo. Ka-kaibigan ko po siya. Ako po pala si Alexandra." Aniya sa magalang na boses.

"Kaibigan ka pala ni Andrew. Hindi kasi siya nagpapakilala sakin ng mga kaibigan niya. Pasensya ka na ha. Ako nga pala ang ate niya. I'm Zoey and this is my husband. Zach." Baling ko kay Zach. Nginitian niya naman ito.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon