Chapter 43
Nandito na kami sa Amerika at salamat ay okay na ang kapatid ko. Totoo nga ang sinabi nila na mas maganda mag pagamot sa ibang bansa dahil kumpleto at maayos.
"Okay kana ba Andrew?" Ilang beses ko na yang tinanong nag sasawa na ata siya.
"Ok na nga ako ate. Nakapag pahinga na din ako ng isang linggo wag mo na kong alalahanin." Nakangiti niyang sabi. Niyakap ko naman agad siya
"Wait. Kilala mo si Alex?" Nakangising sabi ko. Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko dahil kung saan saan siya tumitingin. Nervous?
"Si Alex... ah eh.. Oo ate kaklase ko. Bakit mo natanong?" Masyado namang halatado tong kapatid ko.
"Siya kasi ang nagbantay sayo. Ang gandang bata. Bagay kayo." Tukso ko sa kanya. Pinamulahan naman siya ng pisngi.
"Hindi ate ah. Kaklase ko lang yun." Aniya sa mahinang boses.
"Stop that babe. Don't tease him. C'mon lets eat." Singit ni Zach. Panira naman to ng moment.
Na discharge na si Andrew sa hospital kaya na sa hotel kami ngayon at pauwi na ng pilipinas mamaya. It's already 8 in the morning here. 10 hours ang byahe at baka umaga na kami makarating sa pinas. Gabi ang flight namin.
Inabot kami ng million para sa pagpapagamot kay Andrew. Di bale ng maubos ang pera wag lang siyang mawala samin.
May napapansin talaga akong kakaiba kay Zach na hindi ko maipaliwanag although na sweet siya pero kasi parang may nakukutuban akong mali. Stress lang siguro ako.
Good news! Malapit na kong manganak. Two weeks from now. Kaya nag babawas na ko ng pagkain ngayon at naglalakad lakad para hindi ako mahirapang manganak. Makakapasok na pala si Andrew sa school niya once na makauwi na kami.
Ayos na siya. Ayos na ayos. Gustong gusto na ngang umuwi ng pinas. Ani ng doctor magpasalamat na lang sa magandang resulta ng operasyon. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko.
Hanggang ngayon wala parin akong naiisip kung anong name ng baby namin. Syempre hindi pa namin alam ang gender. Surprise na lang kapag nanganak ako.
"Babe anong ipapangalan natin sa anak natin?" Ani ko habang ang ulo ko nakapatong sa balikat niya. We're now on the plane. Andrew's beside me and now he's sleeping. Mahaba haba ang byahe namin. I'm so excited na makabalik sa pinas. Miss ko na sila Anne at Vanessa wala na kong balita sa kanila.
"Hmm. How about Zakery Ken Scott. What do you think? I think it suits him well babe.." Masyado naman tong sigurado na lalaki ang anak namin.
"How can you be so sure that our baby is a boy?" Tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled kaya napangiti ako. Bakit ang gwapo't cute niya?
"Trust me babe. Lahat ng pinasok ko sayo puro male chromosomes hehe." Aniya ng nakangisi. Tumingin naman ako sa kanya at pinanlakihan ko naman siya ng mata ko. Hinampas ko siya sa braso at hindi mawala ang ngisi niya.
"Isa!" Banta ko. Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko. Kinurot ko nga siya sa tagiliran at ayun nawala ang ngisi.
"Ouch! What was that babe? That's mean." Aniya ng nakasimangot. Mas gwapo pala siya kapag nakasimangot.
"I love you babe. Mwah!" Ani ko at nagpacute ng sobra para hindi na siya magalit sakin. Nag beautiful eyes pa ko sa kanya. Omg! How childish i am.
"Stop that 'cute thingy' babe. You're not cute. Tss." Aniya. Galit nga siya. Pero mahina lang naman yon. Nginusuan ko na lang siya pero nagulat ako ng may labing dumaplis sa labi ko. I looked at him stupidly.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen