Chapter 5 (SPG)
Sumakay na ako sa kotse niya pinagbuksan pa nga niya ako. Tahimik lang kami sa byahe. Kalagitnaan ng byahe namin ay bigla naman siyang nagsalita.
"Saan nga pala yung bahay mo?" Natawa ako bigla dahil kanina pa kami nag babyahe ay hindi niya alam kung saan kami tutungo.
Tinuro ko naman sa kanya kung saan ang daan pati na din ang address ko. Nagulat pa nga siya dahil yung mga bahay doon ay mayayaman.
"Ah. Nakikitira lang kami sa tiyahin ko." Sabi ko baka magtaka na mayaman ako eh hindi naman.
"Ah. Do you want to live at my condo?" Napaubo naman ako dahil sa biglang tanong niya.
"Nako. Hindi na. May natitirhan naman ako eh. Tsaka ayaw ko iwan yung kapatid ko. Ano naman gagawin ko doon." Oo nga no? Ano ang gagawin ko don?
"Be my maid. Wala akong kasama sa unit ko tsaka walang tagalinis. I'll pay you. Oh isama mo na din yung kapatid mo." Bakit agad agad to mag desisyon? Ngayon nga lang kami nagkakilala.
"Hindi na talaga Zach. Salamat na lang. May trabaho naman ako eh. Salamat talaga pero hindi ko pwede iwan yung tiyahin ko."
"Its ok. If you change your mind my offer are still open." Aniya habang nakatingin saakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Osige. Maraming salamat talaga ah." Ang bait naman na tao ni Zach. Swerte siguro ng magiging girlfriend niya.
"We're here." Aniya. Napatingin naman ako sa labas ng kotse at andito na nga kami sa tapat ng bahay.
"Salamat Zach ah. Sige una na ako." Paalam ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla niya kong hawakan sa braso.
"Hatid na kita." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kung ihahatid niya ako edi baka magbuga ng apoy si tiya.
"Wag na baka magalit tita ko."
"Sige na. Let me guide you please?" Nagpapacute pa talaga siya.
"Paano kung magtanong kung sino ka?" Kinakabahan na ako. Alam niyo naman ugali ni tita Len baka pagalitan ako non at palayasin pa ako.
"Im telling on your auntie that im your boss. Don't be obvious that you are nervous. Calm. Ok?" Ok? Sabi niya eh. Tumango na lang ako at lumabas na ng kotse. Nauna na ako para buksan ang pinto.
Pumasok na ako sa bahay at tinignan kung may tao ba. Ngunit wala. Pumunta ako sa kusina para tignan kung andoon nga ba sila. Si Zach ay nasa sala lang at pinaupo ko. Pinagbawalan ko din siya na mag gala gala ng hindi ako kasama.
Napatingin naman ako sa ref at may dalawang note doon. Yung isa kay tita at yung isa kay Sam.
'Zoey sinama ko si Andrew may pupuntahan kami. Pupunta ako sa kaibigan ko may reunion kami at baka bukas na kami umuwi. Kumain kana lang jan' -Len
Kaya pala walang tao. Ni hindi man ako tinawagan ni Andrew. Ok lang siguro para hindi maboringan si Andrew. Sunod kong binasa yung kay Sam.
'Hey Zoey! You read my mom note? Well im going too. You know what i mean. Locked all the doors and window before you sleep. Ok take care~' -Sam Pogi
Edi ako lang pala ang tao dito? Ako lang ang matutulog mag isa. Natatakot pa naman ako. First time kong walang kasama sa bahay. Takot pa naman ako sa multo.
Binuksan ko naman yung ref tinignan ko kung merong laman. Natakam naman ako ng may nakita akong fruit salad at yema cake. My favorite.
Nilabas ko ito at nilagay sa mesa at kumuha na din ng dalawang platito at baso. Pinuntahan ko naman si Zach sa sala at baka inip na inip na.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Aktuelle LiteraturGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen