Chapter 40
"How did you know him?" Tanong ni Zach. Nandito kami sa kwarto at nagpapahinga.
"Who?" Nagtatakang tanong ko.
"John Dale." Aniya at tumingin sakin.
"Ang kulit mo din ano. Sinabi ko nga sa Japan ko siya nakilala at ikaw paano mo siya nakilala?" Ako naman ang napakunot ng noo sa kanya.
"He's brother of Andi." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi kapani paniwala. Sa ugali palang magdududa kana.
"Really? Paano mo naman nalaman? Parang hindi naman." Kontra ko sa kanya.
"I know him than you do. I always see him with Zaida. Tsk! That nerve!" Zaida is his mom. Napailing na lang ako. Mukhang ang laki nga nga galit nila sa isa't isa.
"They're always bothering me! " Igting baga niyang sabi.
"Mukhang hindi naman ganun si Jd." Pagtatanggol ko kay Jd. Sabi kasi wag daw agad manghusga.
"So kinakampihan mo pa yung lalaking iyon?" Asar na sabi niya.
"Hindi naman sa ganun babe." Pag dadahilan ko.
"Then what?!" Halos sumigaw na siya. Inis na inis na talaga siya.
"Hay nako. Wag na nga lang natin siya pag usapan. Badtrip ka na eh." Ani ko.
Umalis si Zach dahil may aasikasuhin daw siyang importante sa mga negosyo niya kaya hayun tuwang tuwa ako para naman makapag gala ako. Pangit sa buntis ang walang ginagawa.
Dahil wala namang mapuntahan pumunta na lang ako sa Coffee shop at doon na lang ako tatambay. Saglit lang ako para hindi mahalata ni Zach na umalis ako. Baka bumuga ng apoy yun at maging abo ako. Iling iling.
Nasa labas na ako ng shop ng makita kong nagkakagulo sa loob. Maraming kumpol ng tao. Dali dali naman akong pumasok sa loob.
"Anong nangyayari dito?!" Sigaw ko ngunit wala pa ring pumapansin saakin. Lumapit ako doon sa pinagkakaguluhan at nanlaki ang mata.
"Fvck!" Malakas na mura ni Jd.
Si Jd iyong pinagkukumpulan at isang empleyado kong babae. Mukhang natapunan ata ng empleyado ang coat ni Jd.
"Sir pasensya na po. Pasensya na po talaga." Pagmamakaawa niya na parang maiiyak tsaka pinunasan niya ng panyo ang damit ni Jd ngunit tinapik naman ito ni Jd dahilan para ma out of balance yung babae.
"Don't you dare touch your filthy hand on my coat!" Aniya na parang diring diri. Nagulat ako sa inasal ni Jd kaya umiksena na ako sa kanila. Marami na kasing tao ang nakakasaksi.
"Anong nangyayari dito?!" Tanong ko ulit dahil hindi nila pinansin kanina yung tanong ko. Pumagitna naman ako sa kanila para mapansin na nila ako.
"Your stupid employee is disgusting!" Aniya na galit na galit.
"Calm down Jd. Pag usapan natin to." Ani ko baka masira ang reputasyon ng coffee shop.
"How can i calm down?! Stupid!" Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.
"Pardon?" Ani ko na hindi kapani paniwala ang huli niyang sinabi.
"Tsk. Deaf! I said you're stupid! That is your employee? All your employees are clumsy. Stupid clumsy. Do you know how much this fvcking coat?!" Igting baga niyang sabi at tumingin sa baba niya para makita yung black coat niya.
"Jd. What is your problem? What happened to you?!" Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
"Do i know you miss? How did you know my name?" He grinned. Anong nangyari parang hindi ko siya kilala dahil sa pinapakitang ugali niya ngayon o hindi ko talaga siya lubos na kilala? Which one?
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen