Chapter 19 (Bathroom)

18.2K 249 46
                                    

Chapter 19 (SPG)

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Tumayo na din naman ako at pumunta na ng kusina. Hapon na pala napahaba ang tulog ko.

Nagluto na lang ako ng soup para mainitan naman ang katawan ko. Hindi na ako nahihilo mukhang magaling na ako kaso may konting sinat pa.

Mag uumpisa na sana akong kumain ng biglang may nagbukas ng pinto. Bumilis naman ang tibok ng puso baka si Zach na iyon. Pero nagkamali ako. Si Andrew. Binati naman niya ako.

"Umupo kana dito Andrew saluhan mo akong kumain." Tumango naman siya at umupo sa tabi ko. Hindi ko pa ata kayang harapin si Zach. Ano ba ang dapat kong gawin? Magsorry kahit wala naman akong ginagawa?

Kumain na lang ako mabuti na lang at nagprito ako ng hotdog kahit papano pwedeng iulam. Natapos din naman kaming kumain at nailigpit na din. Si Andrew nasa kwarto niya na at gagawa daw ng mga assignment.

Pinakain ko na din si mik mik. Gusto ko sana siyang igala kaya lang baka makita siya at i-banned dito kahit bawal naman talaga siya dito. Pinainom ko na din siya ng gatas. Medyo lumalaki na siya. Mas maganda siguro kung magiging sobrang laki siya kahit nakakatakot.

Napagdesisyunan ko na maligo na lang dahil medyo malagkit na ako. Kumaha na rin ako ng tuwalya sa kwarto dahil wala akong sariling banyo.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng magtanggal ng damit hanggang sa wala na akong saplot. Binuksan ko naman ang shower at naramdaman ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa mukha at katawan ko.

Habang binabasa ko ang buhok ko ay kumakanta naman ako ng sugar ng maroon 5.

'Sugar. Yes please! Won't you come and put on down on me.'

Feel na feel ko ang kanta kahit hindi ganun kaganda ang boses ko eh wala namang makakarinig kaya kahit sumigaw pa ako dito. Nasa kwarto naman si Andrew

Gusto kong sumigaw para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman ko. Sasabog na kasi ayaw ko namang umiyak. "BWISET KA ZACH!! ARGH!! IPAPAKAGAT KO YUNG ANO MO KAY MIK MIK PAGLUMAKI NA SIYA. TANDAAN MO YAN!" Ang saya palang sumigaw at ilabas ang nararamdaman ko. Isa pa nga.

"ZACH PAG NAKITA KITA... Ha-halikan kita. AY HINDI PALA. IPAPALAPLAP KITA KAY MIK MIK. GAGO KA. MAGSAMA KAYO NG MAGANDA MONG GF! SANA MABAOG KANG UGOK KA! I WANT TO SMASH YOUR MANHOOD!"

Nakangiti ako habang sumisigaw para nga akong tanga dito. "ALAM MO BA ZACH NAKA-" Hindi ko na natapos ang sigaw ko ng may biglang yumakap saakin patalikod.

"Sorry babe." Nagulat naman ako nung nagsalita siya at napagtanto na si Zach yon. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil narinig niya ang mga pinagsasabi ko at isa pa wala akong damit.

"Zach?" Mahinang sabi ko. Mas lalo niya namang binaon yung mukha niya sa likod ko. Naiiyak na ako. Dahil sa ilang linggo naming hindi nagkausap at nagkita namiss ko siya. Kahit galit ako ok lang basta bigyan niya lang ako ng dahilan.

"Sorry babe. Sorry. Patawarin mo sana ako." Bumagsak na ang luha ko ng marinig ko ang nanginginig niyang boses. Nanlambot ang puso ko dahil alam kong umiiyak siya. Pero ano ba ang dahilan?

"Za-zach ano bang problema?" Nanginginig kong sabi at humarap na sa kanya. Wala akong pake kung nakahubad ako nakita niya naman yan lahat.

Nakita ko naman ang mata niyang namumugto at parang nagpipigil lumuha. Naawa ako sa itsura niya ngayon ang lalim ng mata niya na parang hindi nakakatulog ng maayos. Medyo pumapayat na din siya.

"Wala babe. Sorry kung hindi kita pinapansin marami lang kasi akong dapat ayusin. Babawi ako sayo." Hinawakan ko naman yung mukha niya.

"Tulad ng ano?"

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon