Chapter 2 (Zach Scott)

41.1K 311 36
                                    

Chapter 2

Nagising ako sa sinag ng araw na nakatutok sa aking mukha. Pumikit pa ako dahil tinatamad na akong dumilat at inaantok pa. Ngunit may pumasok sa isip ko kaya agad akong napaupo sa higaan.

"Oh my godness!" Pasigaw kong sabi ng maramdaman ko ang aking katawan na walang saplot. Tumingin pa ako sa ilalim ng kumot na natatabunan ang aking katawan. Bigla ko namang nasapo ang palad ko sa noo ko. Shit!

"Good morning babe!" Ngiti ngiting sabi ng lalaki sa harapan ko at lumaki ang mata ko ng wala itong saplot kahit isa. Napatingin naman ako sa baba niya at napatakip ng mata gamit ang dalawa kong kamay.

"Shit!! Who are you?!" Sabi ko habang nakatakip pa din ang dalawa kong kamay. Bigla namang bumalik ang alaala ko kagabi at ang nangyari samin. Hindi maaari! Shit! Ang tanga mo talaga Zoey!

"Oh. You don't remember me babe? So, You don't remember anything happened last night? It was awesome babe!" Ngiting pilyo ng lalaki sa harapan ko. Tang ina! Anong nangyari kagabi at nagawa ko iyon. Nakalimutan ko yung kapatid ko pati na din si Sam baka malagutan ako sa tiyahin ko.

Nakita ko ang phone ko sa side table at dinampot ito. Tinignan ko muna kung may message sa phone ko hindi nga ako nagkamali at meron ito. 28 message and 32 missed calls. Tinignan ko naman ito isa isa. Yung unang text ay sa kapatid ko.

Baby Drew:
-Ate?

Baby Drew:
-Ate where are you?

Baby Drew:
-Ate i want to sleep but i can't because you're not answering my texts and calls I'm worried about you.

Tinignan ko ang mga text at puro text iyon ni Andrew. Napaka sweet talaga ng kapatid ko nag aalala ako kasi hinanap ako neto kagabi nakalimutan kong tumawag. Binasa ko ang huli niyang text.

Baby Drew:
-Ate im gonna sleep na. Ingat sa pag uwi mo. Good night. Iloveyou ate.

Nakita ko din halos sa kanyang lahat yung missed calls at kay Sam. Putik nakalimutan ko din siya baka pagalitan ako ni tita. Binuksan ko ang unang text niya.

Sam:
-Hey Zoey! I saw you with Zach. and i think you are tipsy. Are you ok?

Sam:
-What happened Zoey??!

Sam:
-I saw you with Zach and he dragged you in his car.

Sam:
-Busy? Why aren't you replying on my text?

Sam:
-I see. You enjoy with Zach. oh well that's nice. Enjoy my little cousin.

Madami pa siyang tinext sakin na mag ingat daw ako sa lalaking kasama ko. Oo dapat nag ingat ako. Ang tanga ko! Kilala niya pala tong lalaki na to. At binasa ko ang huli niyang text.

Sam:
-Hey Zoey. I'm not going home tonight. I'm here at the hotel with my girls. I'll call you tomorrow and we're gonna come home together so my mom will not be surprised what happened to us. That's my responsibility. Just enjoy this night couz.

Oh my god! Pareho na pala kami ng ginagawa kagabi! Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit ganun. Tanggap siguro ni Sam ang mangyayari sakin sa gabi na iyon.

Tinignan ko muna siya bago ko sila tawagan. Ngumiti pa ang gago. Napatingin tuloy ako sa katawan niyang ma muscles. His abs, triceps and biceps. No no no Zoey! Just focus.

Umiling na lang ako at tinawagan si Andrew. Limang ring bago niya ito sagutin. Tulog pa ata kasi 6am pa lang ng umaga.

"Good morning baby Andrew! I'm sorry last night, I forgot my phone on my friend's house that's why I'm not be able to answer your texts and calls. I'm sorry. Did you sleep well?" Malambing kong sabi kay Andrew. Tumingin naman sakin yung lalaki sa harapan ko at nakakunot ang noo. Naaasiwa ako sa lantarang katawan niya.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon