Chapter 42 (Faith)

3.8K 84 13
                                    

Chapter 42

Pinuntahan ko na si tito yung daddy ni Cyrus pero wala pa rin. Wala silang ganung machine at kailangan daw na sa ibang bansa na magpagamot.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Although na alam kong may pera kami para ipagamot siya. Naguguluhan ako. Bumisita na samin ang mga kamag anak ko at binigyan kami ng tulong ngunit tinanggihan ko ito.

Linggo linggo rin akong nagpapacheck up para malaman kung ayos lang ang baby ko at salamat naman dahil hindi siya naaapektuhan.

Ngayon ay nasa bahay ako at nagluluto para sa lunch namin. Si Alex ang nagbabantay doon at minsan kasama ang mga kaibigan nila kapag walang pasok. Malaking pasasalamat ko kay Alex dahil anjan siya para tulungan ako.

Si Zach wala may aasikasuhin daw at napapansin ko lately na balisa siya, laging puyat na parang may malaking problema. Pero hindi ko naman napapansin baka sobrang busy lang sa trabaho.

Halos tatlong linggo na kami dito. Nagsimula na ang klase nila ngunit hindi pa rin nagigising si Andrew. Inenroll ko na rin siya sa J.U at Graduating na siya buti nga't anjan si Alex at sinamahan niya ako.

Bago ako pumunta ng hospital para mag bantay kay Andrew dadaan muna ako sa Shop ko. Halos tatlong linggo rin akong hindi nagawi doon. Kakamustahin ko lang sila kung kumikita pa ang shop pagkatapos mag eskandalo ni Jd.

Sa makalawa dadalhin na namin si Andrew sa U.S para maipagamot na siya. Sana lang ay wag kami abutin ng panganganak ko doon. Aniya ng doctor baka daw matagalan kami. Ok lang basta gumaling lang ang kapatid ko. Gusto ko kasing ipanganak ang anak ko sa bansa natin.

Nag park na ko sa gilid ng shop at pansin ko na walang customer. Masyado ba akong napaaga? Pag pasok ko palang sa shop mukhang gulat na gulat ang mga empleyado ng makita ako.

"Oh bakit ganyan mga itsura niyo? Kamusta kayo?" Nakangiti kong sabi. Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari sa kapatid ko para hindi na sila maapektuhan. Sinusubakan kong maging normal kahit hirap na hirap na ako.

"Kasi po. Eh ano kasi po..." Hindi sila makapag salita na parang kinakabahan.

"Wag niyong sabihing may problema? Haha." Natatawa pa kong sabihin yan. Pano naman kasi wala ng katapusan ang problema ko kaya dinaan ko na lang sa tawa.

"Ganun na nga po." Aniya ng kinabagsak ng balikat ko. God! Ano ng nangyayari?

"Anong problema?" Kalma lang ako. Hindi dapat dinidibdib yan. Baka maliit lang yan. Sus kayang kaya yan. I have faith to god.

"Lumulugi na po ang shop natin mam." Aniya ng nakayuko.

"Ano?! Ok ilang araw na?" Baka kahapon lang walang customer.

"Dalawang linggo na ho mam. Paisa isa na lang po ang customer natin." What?! Bakit? How?

"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Ang tagal na pala." May diing sabi ko.

"Ayaw lang po namin makadagdag sa problema niyo mam. Alam namin ang nangyari sa kapatid niyo po. Ginagawan naman po namin ng paraan baka sakaling maisalba pa pero simula ng nagkagka eskandalo dito wala na pong pumupunta. Isa isa lang po mam." Napahawak naman ako sa sentido ko.

"Dapat man lang sinabi niyo. Pamilya po tayo diba? Ng dahil ba kay Jd?" Isa pa yang Jd na yan. Akala ko mapagkakatiwalaan. I don't like to be betrayed.

"Pasensya na po mam. Opo yun po ang napansin namin. Maimpluwensyang tao ata yung customer na nakabangga natin mam." Bakit ang daming kontrabida sa buhay namin? Akala nila mapapabagsak nila kami ng ganun ganun lang nagkakamali sila.

"Okay. Tuloy parin ang trabaho natin. Mag iisip ako ng plano para masalba ang shop natin ok. Walang susuko. Alis muna ako." Hanggang ngayon iniisip ko kung pinagkakaisahan nila kami. Ano bang problema nila? Malapit na kong mapuno sa kanila.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon