Chapter 6
Nagising ako sa cellphone na maingay. May tumatawag. Dinilat ko na yung dalawa kong mata kahit na pumipikit pa ito. Medyo masakit pa yung pagkababae ko kasi naka 2 rounds kami.
Bumaling ako sa kaliwa ko at nakita ko si Zach na tulog na tulog. Dinampot ko yung cellphone ko at nanlaki ang mata ko na si tita Len ang tumatawag. Sinagot ko agad ito.
"Hello po tita?" May bakas na kaba sa aking boses at baka madatnan kami ni Zach dito na parehong hubad.
'Oh iha. Pauwi na kami ni Andrew. Mga 20 minutes anjan na kami maghanda ka na lang ng makakain.' Hays. Salamat akala ko andito na sila buti ay may minuto pa para mapaalis dito si Zach.
"Sige po tita maghahanda na po ako. Ingat po kayo bye." Pagkababa ng tawag ay nagbihis na ako bago gisingin si Zach.
"Zach!! HOY ZACHHH! Gising na pauwi na sila tita!" Pasigaw kong sabi dahil ayaw niya magising. Pumipikit pikit pa nga siya at nag kusot pa ng mata. Tsk tsk!
"Bumangon ka na jan at magbihis at umalis kana! Malilintikan ako pag nakita tayo dito! Bilis na!" Ulit ko ulit dahil para siyang wala sa sarili.
"Ok." Aniya at biglang tumayo. Tumalikod naman ako para hindi ko makita ang katawan niya. Nakarinig ako ng sarado ng pinto kaya lumingon na ako. Pumasok na siya sa cr para magbihis.
Inayos ko ang kama baka may makitang ebidensya dito sa kama at intrigahin pa nila ako lalo na si Sam.
Lumabas na din si Zach sa cr at nakabihis na. Yun yung damit niya kagabi. Pinagmasdan ko naman yung mukha niya. Mas lalo siyang gwumapo pag bagong gising.
"Oy oy! Alis na dito bilis! Pauwi na sila tsaka may trabaho pa ako mamaya! Layas na!" Tinutulak ko siya palabas ng kwarto wala ata siyang balak lumabas.
"Ok. Uuwi ako hindi mo na kailangang ipagtulakan pa ako ok?" Nakababa na kami at nasa sala na kami at paalis na din siya. Bago siya umalis nagsalita muna siya.
"Ok, bye Babe! I'll text you. Im going then." Namula naman ang pisngi ko dahil sa tawag niya sakin. Mas lalong namula yung pisngi na para bang magkakasakit ako nung hinalikan niya ako sa pisngi. Yumuko na lang ako para hindi niya makita ang pulang pula kong pisngi.
"Sige na. Umalis ka na shoo! Bye!" Pagtataboy ko ng makatapak na siya sa labas ay bigla ko namang sinarado yung pinto narinig ko pa nga ang mahihina niyang tawa. Nakakahiya!
Nakarinig din ako ng makina ng sasakyat hudyat na umalis na siya. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari kagabi at ngayon.
Pumunta na ako ng kusina para makapag handa ng almusal ala sais pa lang naman. Nadatnan ko ang mesa na may kalat. Andoon pa pala yung pinagkainan namin. Nalimutan kong ligpitin.
Inamoy ko muna yung cake pati ang salad. Yung salad panis na kaya tinapon ko na. Yung yema cake ay hindi pa kaya binalik ko na sa ref. Niligpit ko na din ang kinainan namin at nagsimula ng mag hugas.
Tinignan ko ang ref kung ano mailuluto buti na lang may kanin pa gagawin ko na lang fried rice. May bacon at tuyo din kaya kinuha ko na ito para lutuin.
Dalawang kalan ang naka bukas yung isa sa kanin at yung isa sa ulam. Hindi naman mahirap eh. Tsaka yung kanin di masusunog mahina lang naman yung apoy.
Pagkatapos kong magluto inilagay ko na ito sa hapag. Naglagay na din ng pinggan at baso. Naghiwa din ako ng kamatis para sa tuyo.
Natapos ko na lahat sila na lang ang hinihintay ko para makakain na. Gusto ko kasi sabay sabay. Nakarinig naman ako ng bukas ng pinto kaya dali dali akong pumunta sa sala para makita kung sino ang parating.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen