Chapter 8 (Resto)

17.2K 205 9
                                    

Chapter 8

Ngayong araw ay pupunta ako sa resto dahil duty ko. Natapos na akong magbihis at kumain na din ako. Nakita ko naman si Sam na pababa at nakabihis ng panglakad.

"San punta mo Sam?" Tanong ko habang inaayos yung bag para makaalis na.

"Jan lang. Sabay kana sakin." Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil malilibre ako sa pamasahe.

"Osige ba." Nakaready na ako at sumunod na ako sa kanya papuntang kotse niya. Sumakay din ako sa front seat.

"Mamaya pala pupunta ako sa resto niyo kasama ko mga kaibigan ko." Biglang sabi niya habang nagmamaneho.

"Anong gagawin niyo don?" Ang tanga ng tanong.

"Maybe we tour the resto, what do you think?" Sarcastic niyang sabi sabay linggon sakin.

"Sabi ko nga kakain kayo. Ano bang sabi ko hahaha." Ang plastik kong tawa.

Nagpatuloy lang siyang magmaneho hanggang nakarating kami sa resto ng tahimik. Matutuwa siguro si Anna pag nalaman niyang pupunta si Sam dito. Bumaba na ako sa sasakyat.

"Salamat Sam ah. Hintayin ko na lang kayo mamaya dito ako magseserve sainyo bye." Tumango lang siya at kumaway. Sinarado ko na din yung pinto ng kotse niya. Dumiretso na din ako sa loob ng resto.

"Sino yung naghatid sayo? Boyfriend mo ba?" Tanong agad ni Vanessa pagkadating ko.

"Siya ba yung lalaking nakadate mo dito nung last week?" Isa pa to si Anna. Napailing naman ako sa reaksyon nila.

"Hindi. Mga pinag iisip niyo. Si Sam yon." Sabi ko sa kanilang dalawa at tinignan ko sila.

"Sinong Sam ha? Bago mo?" Usisa ni Anna. Pati yung crush niya nakalimutan na niya ata.

"Si Samuel Rubante." Napangiti naman ako sa reaksyon ni Anna. Biglang lumaki ang mata na nalilito pa.

"Samuel.. Sam.. SAM??! As in yung pinsan mo?" Ngayon niya lang ata napagtanto na yun nga yon.

"Oo nga kulit." Sabay na kaming tumawa ni Vanessa dahil sa late reaksyon niya.

"Bakit ganon Zoey! Hindi mo sinabi na si Sam yun! Edi sana nakita ko man lang siya." Nakanguso niyang sabi na parang aping api siya.

"Nako ang arte mo Anna. Ni hindi ka nga kilala ni Sam eh." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Vanessa.

"Wag kang mag alala pupunta daw sila dito mamaya at dito kakain kasama mga kaibigan niya." Ani ko. Para naman mabuhayan siya. Para kasi siyang namatayan.

"Talaga? Kailangan kong magpaganda para pamansin niya ako. Ipakilala mo kasi ako sa kanya." Hindi kasi siya kilala ni Sam. Nakilala niya si Sam nung pumunta sila sa bahay. That time naabutan nila si Sam doon eh hindi pa kami close kaya hindi ko sila pinakilala.

Nung nakita ni Anna si Sam ay tumibok daw yung mata niya. Haha. Oo mata daw kaya crush niya pa lang si Sam. Tapos ang dami niyang tanong tungkol kay Sam. Nag instalk pa nga siya eh.

"Osige minsan pumunta kayo sa bahay kung madadatnan niyong andun siya. Alam niyo namang lagi yong umaalis." Inaayos ko naman yung buhok ko na hanggang bewang ang haba at tinali ito para hindi makaistorbo.

"Sabi mo yan ah! Nako kailangan ko ng ma meet si mother in law ko." Aniya habang naglalagay ng make up sa mukha.

"Basta ako kakain na lang ako sainyo." Ani Vanessa habang sinisimulan niya ng maglagay ng make up para daw mag mukha kaming disente. Siyempre naglagay din ako mga light lang naman.

"Mukha kang pagkain Vanessa." Nagsimula na silang mag talo. Mga monggo talaga to. Lagi silang magkaaway niyan pero hindi yung sakitan biruan lang.

Nagsimula na kami sa kanya kanya naming trabaho. Maraming costumer ngayon. Sabagay lagi namang maraming tao dito dahil sikat tong restaurant.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon