Chapter 12 (Unit)

17.5K 195 4
                                    

Chapter 12 (SPG)



"Bakit tita may problema ba?" Kinakabahang tanong ko.


"Oo may problema." Tumalikod si tita na parang may kinukuha sa tabi ng pinto sa loob. Lumaki yung mata ko ng makitang mga gamit namin ni Andrew iyon.


"Ba-bakit tita? Anong nangyayari?" Nauutal kong tanong. Pinapalayas niya na ba kami? Pero bakit? Ni hindi ko nga matandaan kung may nagawa ba akong masama o hindi kaaya aya.


"Lumayas na kayo dito. Ayoko ng makita ang pag mumukha niyong magkapatid. Kundi tatawag ako ng pulis para makulong ka." Bumagsak na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Bakit kami pinapalayas? Nakakunot noo ko siya tinignan.


"Ba-bakit t-tita? May nagawa po ba a-akong kasalanan?" Nauutal kong tanong dahil kahit alalahanin ko ang mga nangyari ay wala naman akong nagawang masama.


"Nag mamaang maangan ka pa! Lumayas na kayo dito kundi tatawag na ako ng pulis." Hinagis na niya yung mga gamit samin. Nasapo ko naman agad to. Nakita kong umiiyak na si Andrew.


"Shhh. Wag kang umiyak Andrew. Magiging maayos din ang lahat." Niyakap ko naman siya dahil walang tigil yung hagulgol niya. Lumapit naman agad si Zach samin at kinuha ang mga gamit namin. Nasaksihan niya lahat.


"That's ok Andrew. From now on you're gonna live at my pad and of course your ate." Nagulat naman ako sa sinabi niya tinitigan ko siya gamit ng namumugto kong mga mata. "And wait. You don't need call a police we're gonna leave this your fucking filthy house." Ngayon ko lang nakitang galit si Zach. Puro masiyahin ang madalas kong makita sa mga galaw niya. Pero bakit ngayon kakaiba?


Tinitigan niya ng masama yung tiyahin ko. Malapit lang siya saakin kaya naglakad ako papunta sa kanya at hinawakan yung braso niya. "Tama na yan Zach. Ayoko ng gulo. Aalis na lang kami ni Andrew." Mahinang bulong ko sa kanya.


"Mabuti pa nga. Mga leche kayo sa bahay na ito! Matapos ko kayong kupkupin ito ang igaganti niyo sakin. Mga walang utang na loob! Lumayas kayo ngayon din." Kahit naguguluhan ako sa sinabi ni tita ay mas mabuti pang umalis na din. Napadako naman yung tingin ko sa bago naming katulong at ngumisi ng masama saakin. Napailing na lang ako sa mga nangyayari.


Sinimulan ko na ding magpulot ng mga gamit na nasa sahig. Yung iba ay nadala na ni Zach. "Let's go." Muntik ko ng mabitawan yung mga hawak ko dahil bigla biglang sumusulpot si Zach sa tabi ko.


"A-ah o-o-okay." Nanginginig pa din ako dahil siguro sa biglaang nangyari sa akin sa araw ngayon. Nakita ko naman unting unti ng tumitigil sa pag iyak si Andrew dahil binuhat na siya ni Zach papuntang kotse.


Pumasok na kaming lahat sa kotse at sumilip sa bintana. Nakita ko pa din ang galit na mukha ni tita Len. Pinipilit kong alalahanin kung may nagawa ba talaga ako. Nag iwas na ako ng tingin sa bahay baka maiyak ulit ako sa nangyari. Alam ba ito ni Sam? Kailangan ko siyang makausap at itanong kung ano ba talaga ang nangyari.


Nabaling ang paningin ko kay Andrew napagod na pagod. Naaawa ako sa kapatid ko. "Sige na Andrew matulog kana dito sa lap ni ate. Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo. You look tired. You should rest ok?" Tumango naman siya at humiga na sa hita ko. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang buhok niya at maya maya ay nakatulog na agad siya.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon