Chapter 39 (John Dale Daquiz)

4.4K 86 10
                                    

Chapter 39

I'm 5 months pregnant! At malaki na nga ang tiyan ko. Zach is always at my side to guide me kahit hindi na kailangan. Ang bilis na ng panahon dahil ilang months na lang ay manganganak na ako.

Mas pinahalagahan na ko ngayon ni Zach kumpara dati dahil marami siyang sikretong ayaw sabihin sakin. Kapag may problema siya sinasabi niya agad sa akin kaya mabilis naming nasosolusyunan.

I take a medicine for our baby para maging healthy siya pag silang niya. Laking pasasalamat ko dahil malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan ko kaya hindi agad agad ako nalaglagan.

Kahit ipalaglag ko pa raw ang bata ay hindi raw malalaglag. As if naman nagagawin ko yun. Kaya rin ako umiinom ng gamot para hindi magkaroon ng depirensya ang anak ko dahil sa mga pag alog na nangyari. I hope maayos ang buong katawan niya.

Unfortunately ang nanay ni Zach ay hindi pa rin tinitigilan si Zach. Hindi ko pa nga siya nakikita at kating kati na ako makita siya. Kamukha kaya ni Zach ang nanay niya? Bakit niya to ginagawa kay Zach? Ganun ba kasama ang nanay niya?

"Good morning babe." Ani Zach at hinalikan ako sa pisngi. Gising na pala ang prinsipe ko. Ang lalim na pala ng mga pinag iisip ko.

"Good Morning babe! Ano gusto mong breakfast?" Tanong ko. Imbes na nasa opisina siya nandito siya sa tabi ko at naglalambing.

"Pwede bang ikaw na lang?" Nakangisi niyang sabi at niyakap niya ako ng sobrang higpit ang sarap sa pakiramdam.

Hinihimas himas niya naman ang tiyan ko at kinausap ulit. "Good morning son! I can't wait to see you." Lagi niya yang ginagawa ang kausapin ang anak namin. Ang lakas nga ng fighting spirit niya na lalaki daw ang anak namin.

"Good morning din daddy!" Mahinang sabi ko na tunog pambata. Baka kasi masira ang ulo niya dahil hindi naman siya sinasagot. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit hanggang sa hindi na siya makahinga. Biro lang.

"Babe pwede bang pumunta ako sa coffee shop?" Ilang beses na akong nangungulit sa kanya pero ayaw niya akong payagan dahil daw baka mapano ako.

"You know my answer." Mahinang bulong niya ngunit may diin. Ang OA kasi niya gusto ko lang naman bisitahin ang mga empleyado doon tagal ko na ring hindi nakapunta doon, siya na rin kasi ang nag aasikaso non.

"Please. Nababagot na ako dito sa unit mo. Please kahit mga 2 hours lang gusto ko lang makita kung ayos pa ba ang coffee shop natin." Pangungulit ko. Pero ayaw niya pa rin hanggang sa siya na ang sumuko.

"Ok fine. Babalikan kita may pupuntahan lang ako. Ok. Behave. Don't do anything stupid ok." Tumango na lang ako ng parang aso.

Hinatid niya nga ako dito sa coffee shop at umalis din dahil may pupuntahan daw siyang importante. Pagkapasok ko palang sa loob ng shop ang daming empleyado ang nag congratulates sakin dahil buntis ako.

"Congrats mam! Malapit na ho kayong manganak tagal din naming hindi kayo nakita." Sabi ng isang empleyado.

"Oo nga eh. Yung boss niyo kasi masyadong possessive. Haha. Oh kumain na ba kayo?" Maganda ang pakikitungo nila sakin kaya magkakasundo kaming lahat. Ang swerte ko sa kanila dahil ang babait nila.

Parang pamilya na ang turing namin kapag nandito sa shop. Nagtutulungan. Kahit paminsan minsan lang ako dito ramdam ko na mahal nila ang isa't isa as a friend or as a family.

"Tapos na ho mam. Sigurado akong maganda o pogi yang anak niyo mam dahil ang ganda at ang gwapo ng magulang." Ani pa ng isang empleyado.

"Naku ng bola pa si Kris. Naku bawal magsinungaling ha." Natatawang sabi ko hanggang sa natawa na ang lahat. Grabe na miss ko tong shop na to. De latte coffee shop ang name. Ang baduy diba pero ok lang.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon