Chapter 30
Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan pati na yung boys ay nakikichika na din samin at si Anna ay tahimik parin. Pasimple silang nagsusulyapan at ilang na ilang sa isa't isa.
Inabot na kami ng hapon kakakwento kaya napag pasyahan na nilang umuwi. Si Vanessa at Renz ay pupunta daw sa bahay nila Renz para bumisita mabuti na lang at off nilang dalawa.
Si Rafael naman ay nauna na din dahil may aasikasuhin siya at naiwan naman si Anna na nakatulala pa rin. Ang weird.
"Ayos ka lang ba Anna? Kanina kapa tahimik at tsaka kilala mo ba si Rafael?" Hindi ko na mapigilang magtanong she looks upset.
"Oo kilalang kilala at matagal na matagal na." Napanganga naman ako sa sinabi niyo. So ibig sabihin tama ang hinala ko.
"Kyah! Sabi na nga eh. Magkwento ka naman bilis!" Naexcite naman ako at feeling ko ay mag o-open siya sakin. Nawala na ata yung pag tingin niya kay Sam. Good to hear.
"Naku pasensya na Zoey. Kailangan ko ng umalis. Salamat pala dito. Sige una na ko." Tumayo naman siya at biglang naglakad ng mabilis palabas ng coffee shop. Naibaksak ko naman ang balikat ko. Akala ko magkukwento siya mukhang maganda kasi ang kwento na nila.
Tumingin ako sa phone ko at ni walang texts o calls akong natanggap kay Zach. Alas tres na pala ng hapon. At nawala sa isip ko na pupunta pala ako kela Sam.
Lumabas na ko at tumungo sa kotse para pumunta sa kanila siguro nasa bahay na iyon dahil baka nasa school sila kaya hindi ko sila naabutan.
Saktong pagdating ko ay dumating din ang mag pinsan. "Ate!" Sigaw ni Andrew. Namiss ko tong kapatid ko.
"Hey kiddo! How are you?" Nagtatatakbo naman siya papalapit sakin at yumakap.
"Ok lang ako ate. Ang aga niyo atang umuwi?" Naka kunot noong sabi ni Andrew. "Hey Sam!" Bati ko kay Sam kakalabas lang galing sa loob ng kotse niya.
"Hey!" Pabalik na bati niya. "Ah kasi may inasikaso si Kuya Zach mo. Tara na sa loob. Ay teka kunin mo muna yung pasalubong natin kay kuya Sam mo." Tinulungan niya naman ako at pumasok na kami sa loob.
"How was your trip couz?" Ngumiti ng nakakaloko si Sam na parang nanunuya.
"Masaya. Marami kaming napasyalan. Eh kayo kamusta? May ginawa na naman ba kayong kalokohan?" Taas kilay na sabi ko.
"Wala. I taught him how to hooked girls easily in just one snap." Nakangising sabi niya. Aba't tinuruan pa ng kalokohan ang kapatid ko.
"Hoy ikaw Sam! Tigilan mo ang kapatid ko. Itutulad mo pa siya sayo. Loyal kami." Pagtatanggol ko. Ayaw kong maging playboy si Andrew dahil kawawa naman ang mga babae. Tsaka kung mangyari sakin yun at baka isinumpa ko na si Andrew. Gusto ko lang ay yung magkaroon siya ng maayos na pamilya.
"Really?" Hindi naman matanggal ang ngisi sa labi ni Sam. Argh! Gusto ko siyang tanggalan ng labi.
"Oo. At ikaw--" Hindi ko na matapos yung sasabihin ko ng biglang bumaliktad ang sikmura ko at nahilo ako. Napahawak naman ako sa bibig ko at dali dali akong pumunta sa banyo.
"Hey Zoey what happen?" Bakas sa boses ni Sam na nag aalala siya gayun din si Andrew. Ramdam ko naman na sumunod sila sakin.
Nagsimula na kong magsuka. Suka lang ako ng sukat at ang dami ko ng nasuka. Napahawak naman ako sa noo ko and everything went black.
---
"Alam mo ba pangarap kong magkapamilya at makabuo ng basketball team." Sabi ko sa batang lalaki na halos kaedad ko."What do you mean princess?" Tanong niya. Oo nga pala tawagan namin ay prince and princess. Nasa limang taong gulang palang ako pero pamilya na ang lumabas sa bibig ko na parang napaka mature ko na.
"Yung magkaroon ng isang dosenang anak! Anim na babae ganun din sa lalaki tapos lahat sila ay makulit." Natatawang sabi ko.
"Sigurado ka ba jan? Tsaka baka hindi mo kayanin dahil sa sobrang dami nun at ang bata mo pa." Iling iling na sabi ni prince.
"Ano ka ba prince kaya yun basta tutulungan mo ako. Diba?" Pilyang ngiti ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Wh-what?! Do you want me to help you to make your babies?" Naguguluhang sabi ni prince. Tumango naman ako at nginitian siya ng sobrang tamis.
"Are you sure?" Pati si prince ay hindi na mapigilan ang pag ngiti. Wala namang makakatanggi sakin kapag ngumiti na ako.
"I'm really sure Zach!" Ewan ko ba kung bakit ito ang pinanag uusapan namin. Basta ang nasa isip ko lang ay siya yung gusto kong maging katuwang sa mga babies ko.
"Then lets make our first baby now. Right now." Nakangisi niyang sabi habang lumalapit sakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ang bata pa namin pero kung mag isip kami ay parang matanda.
Pumikit naman ako at naramdaman ko ang mainit niyang labi sa noo ko.
---
Napadilat naman ako agad agad. What was that? Just a dream or our past? I don't know. May napansin naman akong kakaiba dito. Pinagmasdan ko ito at napagtanto kong nasa hospital ako.
Umikot naman ang mata ko at napansing walang tao bukod sakin. Ano kayang nangyari? Ang huli kong natandaan ay nasa bahay ako ni Sam at biglang nasuka.
At ang weird din ng panaginip ko. Mga bata pa kami ni Zach at kung ano ano ang pinag uusapan namin na hindi naman angkop sa edad namin. Totoo kaya iyon?
Kahiya hiya tuloy ang mga sinasabi ko. Bata palang ako gusto ko ng gumawa ng bata din. Jusko po. Ano bang nangyari sa nakaraan ko. Siguro may mas malala pa akong nagawa.
Bigla namang bumukas yung pinto at niluwa non si Sam, Andrew at si Zach. Ano ba ang nangyari bakit andito ako?
"Babe!" Sigaw ni Zach at nagmamadaling pumunta sa kinakaroonan ko. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. "Are you okay? How was your feeling?" Maluha luhang sabi niya. Pera yung luha niya parang tears of joy.
"Ano kaba ok lang ako. At bakit andito ako tsaka bakit ka umiiyak?" Tumingin siya ng diretso saking mata at parang atat na ata na siyang sabihin ang nalalaman niya. Tahimik naman sila Andrew na nakamasid.
"Babe, i have something important to tell you and i'm sure you will be happy." Kinabahan naman ako sa kanya. Good news ba yan.
"Ah. Ako din eh may sasabihin sayo." Gusto ko sanang ikwento sa kanya kung naaalala niya pa yung napanaginipan ko kanina. Baka nga tawanan niya lang ako pag binanggit ko iyon.
"You must be first." Ani Zach at sobrang laki ng ngiti gayun din si Andrew at Sam na nasulyapan ko sa gilid. Mukhang maganda nga yung sasabihin niya. Dapat siya na yung mauna at nakakahiya naman kung ikukwento ko ngayon ang past namin na naalala ko sa tapat mismo nila Andrew.
"Ikaw muna. Mukhang mas importante at mahalaga yung sasabihin mo sakin." Nginitian ko naman siya.
"Babe." Kinakabahan na ako. Ang seryoso niya. Ngayon lang siya naging seryoso ng ganito. Good news ba to o bad news?
"You are 7 weeks pregnant! The doctor told us, you was passed out earlier because you are stressed this past few days but our baby was totally fine. Magkakababy na tayo. I'm verry happy!" Napanganga naman ako sa balita niya.
I'm 7 weeks pregnant kaya pala hindi pa ko nagkakaroon at ipinagtaka ko lang iyon akala ko irregular lang ako but! I'm pregnant!
Bumuhos na ang mga luha ko at agad naman akong niyakap ni Zach. Magkaka baby na kami. Yung pangarap ko ng mga bata pa kami. Ang saya ko. Magkakapamilya na ako.
"Congrats ate!" Pati si Andrew ay tuwang tuwa din. "Congrats couz." Pati din si Sam. Bakas sa tono ni Sam na masaya siya para sakin.
Mas humagulgol pa ako ng iyak. Hindi ako makapaniwala na nagbunga ang pagmamahalan namin. Pinapangako ko magiging mabuti ina at asawa ako.
Baby excited na akong makita ka. Babae ka ba o lalake? Ano kayang bagay na ipangalan saiyo. Sana lumabas kang malusog. Aalagaan ka namin ni daddy mo.
Patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko habang si Zach ay parang paiyak na din dahil hindi malaman kung gaano siya kasaya.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen