Chapter 24
Wala ng pasok sila Zach at Andrew dahil sem break na nila kaya nandito lang kami sa bahay at nanonood lang ng palabas.
"Hey babe. Are you bored?" Tumabi naman sakin si Zach dahil kumuha siya ng mga snacks namin. Mag aalas onse na ng umaga.
"Kinda." Inakbayan niya naman ako habang nakaupo kami. Si Andrew naman ay tutok na tutok sa palabas.
"Where do you want to go?" Tiningnan ko naman siya at nakatingin lang siya sakin.
"Uhm. Kahit saan. Bakit? Wala kabang lakad?" This past few days kasi medyo naging busy siya hindi ko alam kung ano ang pinag kakaabalahan niya.
"Wala. Saan naman ako pupunta?" Nagkibit balikat na lang ako.
"Wala. Saan ba tayo pupunta?" Napanguso na lang ako dahil nabuburyo na ako dito. Hindi niya kasi ako pinapapasok sa trabaho dahil minsan lang daw kami magsama ng matagal kaya napapayag na lang ako tsaka gusto ko ring makasama siya.
"Do you want to try ice skating?" Napakislap naman ang mata ko ng marinig ko ang suhesyon niya. Gusto ko ring subukan kaya lang hindi ako marunong.
"Hindi ako marunong eh." Pahayag ko. Baka mapahiya lang ako doon dahil hindi ako marunong tsaka baka madulas lang ako.
"I'll teach you of course!" Napailing na lang ako.
"Wag na. Baka hindi ka rin marunong at mapahiya pa tayo." Nginitian ko naman siya para mas lalong kumbinsido pero mukhang bigo ako.
"Trust me. You don't trust me?" Malungkot na pahayag niya. Tila nanlambot naman ang puso ko dahil sa tinig niya. Bakit ba kasi ang gwapo niya at hindi ko siya mahindian.
"Oo na sige na. Let's go. Wait for us ice skating!" Masayang sabi ko para hindi na siya malungkot. Nakita ko naman ang pag guhit ng ngiti sa labi niya.
"Let's go. Take a shower first." Tumango naman ako at pinisil ang pisngi niya. Nangigigil tuloy ako sa kanya.
"Yes po! Andrew let's go. Take a shower aalis tayo." Napatingin naman sakin si Andrew dahil nanunuod siya ng t.v kaya di niya alam kung ano pinag uusapan namin. Tutok na tutok. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Really? Sige ate." Aniya at mabilis na tumakbo papuntang kwarto niya para kumuha ng damit. Excited si baby Andrew namin.
"Maligo kana din Zach." Lumakad na ko papuntang kwarto at naghanda na ng susuotin. Hinintay ko munang matapos siya Andrew bago ako sumunod.
Natapos din akong maligo at nagsuot ako ng fitted na pants na kulang dark blue at long sleeve na kulay black. Balot na balot ako dahil malamig naman ang pupuntahan namin. Naka keds shoes din ako dahil hindi naman ako naheheels.
Lumabas na ako at tumambad sakin ang dalawang gwapong lalaking nasa harap ko. Ang dalawang lalaking importante sa buhay ko. Nginitian ko naman sila at pinisil pisil ang pisngi nila.
"Ouch! Ate naman!" Reklamo ni Andrew.
"Aw. Sorry. Ang cute mo kasi. Tara na at baka mapagtripan ko pa ang mga pisngi niyo." Gigil na sabi ko.
Sumakay na kami sa kotse ni Zach siya na daw ang magdidrive dahil mas bihasa siya at para mabilis na rin kaming makapunta. Nasa passenger seat naman ako at mag isa naman si Andrew sa back seat.
Nakapunta din namin kami ng mabilis sa mall at bumaba na. Pinamulahan nga ako ng pisngi ng bigla niya akong hawakasan sa kamay. Sa kabilang kamay ko naman ay si Andrew. Para tuloy kaming magpamilya iyon nga lang masyadong matandan si Andrew para pagkamalan na anak namin.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen