Chapter 11 (Family Date)

13.4K 148 3
                                    

Chapter 11


 Nakasakay na kami sa kotse niya siya na lang daw ang magdadrive. Nasa back seat naman si Andrew at hindi na kumibo. Ok lang daw kung sa likod siya pabor pa nga raw.


5:30 na ng hapon. Marami din akong nakitang studyanteng naglalabasan dahil first day of school paniguradong mag mamall sila. Baka gabihin na kami dahil anong oras na sana wag akong pagalitan ni tita. Magdadahilan na lang ako. 


 "San tayo pupunta?" Tanong ko para mabawasan na yung awkwardness sa loob ng sasakyan. 


"Secret." Aniya habang tutok na tutok sa pagdadrive.


 Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga siya. Tsk tsk. Tumingin na lang ako sa labas ng kotse at tinitignan ang mga sasakyan na dumadaan. Hindi ko alam kung san kami pupunta wala akong idea. 


Napalingon naman ako sa kanya. Napatitig ako sa mukha nya. Bakit ang tangos ng ilong niya? Kitang kita ko ang kulay gray niyang mata. Ang kinis ng mukha.


"Done checking me out?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na tinititigan ko siya?


  "Hindi. In your ugly face." Pagtanggi ko. Baka sabihin niya may gusto ako sa kanya kahit wala naman talaga diba? Diba?


 Napangisi naman siya sa sinabi ko. Nakita ng dalawa kong mata kung paano gumalaw ang labi niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. What was that? Bakit ko ba lagi tong nararamdaman? May sakit na ba ako? I need to go to hospital immediately. This is not a normal.


"We're here." Aniya at napatingin sa labas. It's a park. Park na walang tao kundi kami lang. May mga damo pa ito at sa tingin ko ay alagang alaga itong lugar na ito.


"Asan tayo?" Hindi ko na maiwasang itanong kung nasaan kami. Ang ganda ng lugar ngayon ko lang nakita to. Bago pa lang saakin to.


"It's a park. Can't you see it?" Napaka pilosopo talaga netong lalaking to. Bumaba na kami sa kotse. Napaisip naman ako. Anong ginagawa namin dito? Wala kaming dalang gamit.


"Wala tayong gamit o pagkain tapos dito tayo pupunta?" I asked. Ngumiti lang siya sakin ng mapang asar. Those smile. Ang cute.


"I have a banig." He said. Napatawa naman ako sa pag salita niya ng banig parang ngayon niya palang ito binigkas.


"And?"


"Of course! The foods!" Umikot naman siya at pumunta sa likuran ng sasakyan. Doon ko napagtanto na ready siya. Boy scout huh? Always ready. Parang planado.


Bumaba na din si Andrew at tinulungan si Zach. Nailatag na din niya ang sapin at nilagay ang mga pagkain doon. Umupo na din kami sa lapag. "Pst! Zach! Planado to no?" Tanong ko.


"No." Maikli niyang sabi.


"Eh bakit may mga pagkain at sapin ka pa? Parang planado talaga." Hindi ako naniniwala na hindi niya ito planado. Panong nagkaroon ng pagkain doon sa likod eh nagkita lang kami sa school pauwi na.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon