A/N: Pinost ko lang kasi nadelete ko siya huhuhu.. Sa mga hindi pa nakabasa pasensya na po. Ang likot kasi ng kamay ko. Enjoy reading sa mga hindi pa nababasa to.
Chapter 25
Ngayong araw na to ay napagdesisyunan kong pumunta sa puntod ng mga magulang ko dahil miss na miss ko na sila. Isasama ko si Andrew. Si Zach ay hindi ko alam at baka may lakad.
"Zach, pupunta nga pala kami sa puntod ng mga magulang namin. Ikaw pasaan ka?" Tanghali na at nakakain na din kami. As usual ganon pa rin ang ginagawa niya. Aniya may inaasikaso daw siya at tungkol daw ito sa negosyo niya. Pinabayaan ko lang sila dahil wala naman akong alam at maitutulong sa kanya at baka makasagabal lang ako.
"I'll come with you." He said.
"Ah sige. Wala kabang balak puntahan yung daddy mo?" Baka kasi magtampo na yung daddy niya dahil ayaw niya naman itong dalawin at tsaka minsan lang naman to. Aniya may ibang pamilya na ang mommy niya kaya siya na lang ang aasahan ng papa niya napumunta sa puntod niya.
"Pagkatapos natin sa parents mo ok?"
Siya na ang nagdrive at tinuro ko kung saan. Maayos naman ang isang linggo matapos nung pumunta kami sa ice skating kaso nakakabitin. Pag uwi namin hindi niya na ako kinibo aniya pagod siya at matutulog. Pero nung nagising siya naging sweet ulit siya. Bipolar.
"We're here!" Tuwang tuwang sabi ni Andrew. Excited at nauna ng lumabas. May baon kaming pagkain baka gabihin na kaming umuwi at tsaka malayo ang fast food dito. Tinulungan ko si Zach magbitbit kaya lang komontra.
"No. Just let me do this. Ok." Napanguso na lang ako dahil ayaw niya talagang magpatulong ganyan yan eh ayaw ata akong pagurin. I sighed.
"You won." Nakangisi lang siya at sumunod na ako. Siya lagi ang nananalo kapag ganito ang sitwasyon. May magagawa pa ba ako?
Naglatag na siya ng sapin sa lapag. Garden kasi ang nilibingan nila mama kaya pwede kaming umupo at maglatag ng sapin. Medyo marami marami ng tao dito pero hindi naman crowded.
"Ma, Pa si Zach po pala asawa ko este boyfriend palang pala." Masyado naman akong excited na maging asawa siya. Wag pahalata.
"Hi ma, pa." Kinilig naman ako sa sinabi niya. Ma at pa daw. Ang bilis niya.
"Lagi niya akong inaaway ma. Multuhin mo nga." Pabirong sabi ko.
"Hindi ko po siya inaaway. Siya nga po tong lagi akong pinagseselos." Magalang na sabi ni Zach. Nagulat naman ako sa sinabi niya pinagseselos? Lagi? Kanino naman? Pinalo ko nga siya sa balikat ngunit mahina lang.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Batukan kita." Sadistang sabi ko pero biro lang yon baka nga halikan ko siya.
"That's true babe. I'm jealous specially yung Rafael mo." Napatanga naman ako sa sinabi niya. Ano naman ang ginawa ni Rafael?
"Huh? Bakit may ginawa ba sayo si Rafael?" Kunot noong sabi ko.
"Nothing. Forget it. Ma, Pa ako nga po pala yung mapapangasawa ng anak niyo." Nabilaukan naman ako sa sarili kong laway. Mas excited pa siya saking mapangasawa siya.
"Tara. Ngayon na." Nabigla naman ako sa sinabi ko kaya napatahimik ako bigla.
"What?! What was now na?" Mabuti na lang at hindi niya naintindihan. Wala pa nga kami sa isang buwan kasal na agad.
"Wala. Sabi ko ngayon na tayo kumain." Palusot ko at sana tumalab naman.
"Are you hungry? Let's eat." Napatango na lang ako at kumain na lang ng sandamakmak. Nakatingin naman sakin si Zach at pinapanuod akong kumain nailang tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficción GeneralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen