Chapter 14 (Violet Rose)

13.5K 162 16
                                    

Chapter 14

Nakarating naman din agad kami sa unit niya. Binitbit na namin yung mga gamit. Nilapag niya na lang sa sala yung mga gamit. Mamaya niya na lang aayusin pagkauwi. 2pm ang pasok niya kaya medyo nagmamadali siya.

Sinarado ko na din yung pinto at umupo na sa sofa. Naalala ko nga pala na tatawagan ko si Sam para alamin ang nangyari. I dialled his number he answer the phone immediately.

"Hey! Zoey. How are you?" Pambungad niya talaga saakin yung Hey niyang bulok.

"Nakauwi kana ba sa bahay?" Parang wala pa kasi siyang alam na pinalayas kami ng mama niya. Busy nga pala siya lagi. Making out with his flavor for the week or day? whatever.

"Not yet. Why? There were something wrong?" Nahulaan niya agad na may problema. Sasabihin ko ba sa kanya? Dapat na sabihin ko na sa kanya kasi malalaman niya din naman ito.

"Ah. Eh. Pinalayas na kami ng mama mo sa bahay eh." Ilang na sabi ko. Hindi ako nagpapaawa sa kanya gusto ko lang malaman ang totoong dahilan ngunit pati siya mismo hindi alam.

"Wha-WHAT?! Why?" Gulat na sabi niya.

"Hindi ko nga alam. Basta pinalayas lang kami kagabi nasa labas na yung mga gamit namin ni Andrew. Akala ko may alam ka but i was wrong. Useless" I rolled my eyes as if he see it. Note the sarcasm.

"Really? I'll talk mom. Then where are of two of you slept? Are you fine? Where are you now?" Ang dami niya namang tanong.

"Don't need to be worried. We're fine. I can't tell you. It's a secret place" Ayaw pa naman niyang binibitin siya or yung pamisteryo effect. Tsaka ayaw ko din sabihin baka inisin niya lang ako kay Zach na we're living in the same roof. Nahihiya pa rin naman ako kay Zach syempre.

"Fine. I give up. How are you then?" Yes! nanalo din ako sa kanya. Ang bilis niya atang sumuko. Knowing Sam his pride was important.

"Im totally fine. Asan ka?" Nakarinig kasi ako ng mga babaeng nagtitilian.

"School. What did you expected? your cousin was so hot damn gorgeous. I'll hung up I'll go to my next class. Call you later. Take care" Before i respond on his statement he hung up. That jerk! I shrugged.

Iginala ko ang paningin ko sa unit niya. Dalawa ang guest room kaya sakto saming dalawa ni Andrew. Ayokong matulog sa tabi ni Zach. Sinimulan ko ng maglinis. Inuna ko muna yung kwarto ni Andrew at nilagay ang mga gamit niya doon sa kwarto. Yung akin din ay inayos ko na. Sakto lang yung laki ng kwarto para samin medyo malaki pa nga.

Yung unit niya walang 2nd floor pero malaki at malapad. Naglinis linis na din ako sa buong bahay pati na din sa kwarto ni Zach. Yung mga pinamili niya inayos ko na din. May dinagdag siyang plates, spoons and forks. Natapos na akong maglinis at umupo na sa sofa dahil napagod ako.

Pumunta na ako ng kusina at nakakita ng oven. Gusto ko sanang gumawa ng cupcakes kaso walang mga ingredients. Sa susunod na lang kapag nakabili ako.

Bumalik na lang ako sa sala at binuksan ang T.V may mga palabas na siya kaya namili ako. Pinindot ko yung Inside out na palabas mukhang maganda. Cartoons. Malapit ng matapos yung palabas ay napaluha ako kay bigbong dahil sa ginawa niyang sakripisyo.

Natapos ko na din yung palabas na hindi pa rin ako nakakamove on. Ang ganda ng palabas dapat ito yung pinapanuod ni Andrew. Speaking of Andrew his here. "Hi ate andito na ako"

"Hi Andrew. How was your school?"

"Ok lang ate. May mga kaibigan na din ako at kasabay ko sila sa bus tapos yung iba dito nakatira." Bakas sa mukha niyang masaya siya.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon