Chapter 4
Pinatawag kaming lahat ng manager para daw ma meet namin ang may ari ng restaurant na to. Pumunta na kaming lahat sa opisina niya para makilala siya.
"Good morning all of you. Im Renz Buenavista. Im the owner of this restaurant. Sana maging maayos itong kainan at maipaangat pa." Ani Sir. Renz at isa isang nakipag kamay samin.
Yung mga babae naman ay kilig na kilig kesho gwapo daw ang may ari at lalo silang gaganahan magtrabaho. Nangunguna na dito si Vanessa. Buti na lang ako walang pinoproblema. Sakit lang sa ulo yan.
"Thank you. Go back to your work. We will celebrate later with my some of my friends because im staying here for good and i will handle this restaurant and of course all of you are invited after the work. " Aniya at umalis na sa harapan namin lahat.
Tuwang tuwa naman sila dahil may party daw magaganap at invited sila. Excited pa nga eh. Ako hindi na lang ako sasama siguro kasi sayang lang sa oras.
"Ano Zoey sama tayo ah?" Ani Vanessa
"Uh.. hindi pwede eh. Tsaka sayang oras baka gabihin tayo. Pasensya na." Dahilan ko which is true. Hindi talaga ako interesado sa mga ganyan.
"Sige na Zoey sumama kana. Hindi pwedeng hindi sumama. Minsan lang naman eh. Don't be kj" Ani Anna.
Wala din naman akong nagawa kundi tumango na lang. Wala namang masama kung susubukan ko. Pagkatapos kumain uuwi na din ako. Makapag take out nga kung pwede.
Natapos na ang trabaho namin at nagpalit na. Kahit hindi daw pormal ay ok lang dahil sa bahay lang daw nila gaganapin yun kainan dahil biglaan.
May nagsundo naman samin para hindi na kami mag commute. Ang dami ngang arte sa katawan ng mga babae dito isama na din sila Vanessa at Anna baka daw may makilala silang gwapo. Tss!
Nakarating na kami sa bahay ng boss namin. Tinignan ko ang labas ng bahay nila. Napaka ganda. Ang laki ng garden nila. Konti lang ang tao siguro wala pa sa 70 kasi mga empleyado at kaibigan niya lang ang andito. Pa welcome party daw.
Pumasok na kami sa loob at umupo muna sa sala nila dahil inaayos ng mga katulong nila ang mga pagkain sa garden. Doon daw magkakainan.
Nakihalubilo ang mga ka-empleyado ko sa kaibigan ni Sir. Maganda naman ang pakikitungo nila samin kahit isa lang kaming empleyado ng kanilang kaibigan.
Naglakad lakad ako para makita ang kabuuan ng bahay ng may nahagip ang aking mata. Si Zach. Anong ginagawa niya dito? Wag mong sabihin na isa siya sa kaibigan ni Sir?
Diba sabi ko na magiging mabait na ako sa kanya kahit na may nangyari samin. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Hi Zach." Nakangiti kong sabi. Yung reaksyon niya naman ay gulat na gulat na hindi niya inaasahan na andito ako.
"Hi-hi. What are you doing here?" Nautal pa siya sa una niyang sinabi. Natawa naman ako ng patago.
"Ah. Empleyado kasi ako ni Sir Renz may konting salo salo daw kaya pumayag ako na sumama dito. Eh ikaw?"
"Ah. Im friend of Renz. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito. Ang bait mo ata ngayon?" Hindi na ko nagulat sa tanong niya.
"I see. Mabait naman talaga ako eh. Pasensya na sa mga nangyari ah. Tsaka lagi kitang sinusungitan. Hindi kasi maganda ang una nating pagkikita. You know what i mean." Nahihiya pa akong sabihin sa kanya iyon.
"Pasensya na rin. Im too drunk that night. Siguro dahil magkatabi tayo non sa bar at lasing na lasing na. Sorry ha. Bawi na lang ako. Pwede ba?" Nakangiti niyang sabi. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya ng malapitan.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficção GeralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen