Chapter 32 (Crabs)

5.1K 97 12
                                    

Chapter 32

"Babe. Gusto ko ng crabs." Ginigising ko kasi si Zach kasi nagising ako at feeling ko nagugutom ako. Niyugyog ko na yung katawan niya para magising siya. Dito na ko natutulog sa kwarto niya.

"Bakit?" Aniya ng nakapikit pa rin ang mata. Sabagay alas dose na natulog si Zach dahil maraming inaasikaso.

"Gusto ko ng alimango. Please." Pangugulit ko. Ang cute kasi ng mata ng alimango itim na itim. Gusto kong kainin.

"What? There is no open restaurant in the middle of night. Just sleep babe. I'll buy you in the morning not today. Okay?" Nakapikit na sabi niya. Ayaw niyang dumilat. Alas tres pa lang naman ng madaling araw. Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya ko nakikita.

"Che!" Tumalikod na ko sa kanya. Walang pake yan si Zach kapag nasa gitna siya ng tulog niya. Pagod din siya pero gusto ko yun!

Hindi na ko makatulog kaya minabuti kong pumunta na lang sa kusina. Dahan dahan naman akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling pumunta sa kusina baka may magustuhan ako.

Pagbukas ko ng ref ay sumilaw sakin ang maraming pagkain. May ulam, cakes, ice cream and milk at marami pa. Wow ngayon ko lang to naappreciate.

Dali dali akong kumuha ng kahit anong makita ko at nilagay ko ito sa lamesa. Sinimulan ko ng tikman ito at bigla ko ding niluwa dahil sa pait ng lasa.

"Ang pait! Bakit ganun yung cake? Bitter ba?!" Binalik ko na ulit ang lahat ng pagkain sa ref at nanlulumong pumunta na ng kwarto. Para akong naiiyak na ewan.

Humiga na ko sa kama at bigla na lang bumagsak ang luha ko. Naiyak na ko ng walang dahilan. Ang babaw ko. Eh gusto ko ng crabs eh!

Humagulgol na ako dahil naaalala ko na naman ang alimangong gusto ko. "Huhuhu. Hmmm.!" Habang tumatagal lumalakas na yung boses ko para din mapansin na ako ni Zach.

"Babe? Why are you crying?" Nagising na ng tuluyan si Zach at tumingin sakin. Mas lalo akong humagulgol para mapansin at malambing niya. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay yung mukha ko para mas mukhang kawawa.

"Babe? Ano bang nangyayari sayo?" Aniya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik at umiyak pa din.

Mag papasko na next week at wala ng pasok ang mga studyante pero si Zach ay merong pasok dahil sa mga hinahawakan niyang shop's at company. Naaawa na nga ko sa kanya dahil lagi siyang pagod. Kinukulit ko pa.

Mag ti-three months na yung baby ko at hindi pa to ganun kahalata. Aniya sa bahay na lang daw kami mag christmas kasama mga kamag anak ko.

Si Zach ay naging super sweet at thoughtful niya samin kaso parang namromroblema at minsan tulala kapag nag iisa. Siguro pagod dahil ang daming trabaho.

Balak ko pa ngang ako na lang ang mag handle ng mga trabaho niya dahil wala naman akong ginagawa para mag focus siya sa kanyang pag aaral. Mahigit dalawang taon na lang naman din ang bibilangin para makapag tapos siya.

"Babe? Tell me? What happened?" Bumalik naman ang pag iisip ko ng biglang magsalita si Zach.

"I badly want crabs. Yung malaki. Huhu." Nagpaawa pa ako baka sakaling maawa. Gusto ko talaga nun.

"Babe. How can i buy you want if the restaurant or store was closed. Please mamaya na lang ng umaga." Ako ata ang naawa sa kalagayan ni Zach dahil mukhang pagod na pagod nga siya. Sige titiisin ko na nga lang ang pagkatakam ko.

"Ok babe." Tumigil na ako sa pag iyak at humiga na ng maayos. Tinalukbong ko na yung kumot sa buong katawan ko.

"Babe naman. Don't be mad at me. Bibilan kita ng isang sako ng alimango basta mamayang umaga na lang ok. Matulog na tayo." Bulong niya. Hindi ko naman siya makita dahil nakatalukbong ako.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon