Chapter 27 (Seloso)

6.6K 130 36
                                    

Chapter 27

Nagpahinga na lang kami. Bukas na lang daw kami mamasyal dahil pagod daw kami kahit hindi naman. 2 weeks kami dito tapos pag uwi namin 3 days before yung pasukan nila. Sila Andrew sa makalawa na ang pasok.

Nakahiga lang ako dito sa kama at nagmumuni muni. Wala kasi akong magawa wala naman si Zach may aasikasuhin daw pero alas sais na wala pa.

Namapak pala ako ng wasabi. Itatapon niya sana ito buti na lang at napigilan ko siya. Nagdahilan ako na ako na ang maghuhugas at magtatapon nun. Nakapuslit pa ako.

Binuksan ko ang t.v at namili ng palabas ngunit wala naman akong magustuhan dahil hindi ko alam yung mga palabas at puro japanese ang lengwahe nila hindi ko maintindihan.

Sa paglilipat ko ng channel, nagbabakasakaling may magustuhan ako. May napukaw naman ang dalawa kong magandang mata sa isang palabas.

Yamato Nadeshiko!

Kyah! Gusto ko to. Ang cute kasi ni Sunako kapag dumudugo yung ilong. Laking pasasalamat ko ng may subtitle ito. Nanuod lang ako ng nanuod hanggang sa makaramdam ako ng bagot.

Nagsuot ako ng pang ginaw dahil malamig sa labas. Gusto ko kasing lumabas saglit. Nagsuot ako ng fitted na pants at boots. Pati na din ng gloves. Nag iwan din ako ng note kung sakaling hanapin ako ni Zach.

Naglakad lakad lang ako sa gilid. Puro resto ang mga nakatayo dito. Meron ding bilihan ng mga souvenirs. Pumasok ako at namangha sa aking nakita.

Tumingin tingin ako sa mga naka display na stuff toys. Tiningnan ko ang presyo at nasa 2000 yen ang nakita ko. Ang mahal naman. Ang liit liit naman ng stuff toys pero maganda.

Bibilin ko na sana to ng may pumasok sa isip ko. "Ay! Wala pala akong dalang pera. Sayang naman. Tsaka hindi ko rin alam kung magkano 2k yen pag sa pera na ng pilipinas." Ayun din ang isang nakalimutan ko. Kinakausap ko pa yung sarili ko.

"Heto miss." Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita. May inabot saking papel. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"What is that? Are you pilipino?" Ang gwapo naman ni kuya mukhang koreano hindi hapon. At nagsalita ng tagalog baka nga pinoy.

"Uhm yeah. Eto gamitin mong pangbili. Yung pera nila doble ng pera natin." Inabot na naman niya sakin yung papel na tawag ay pera daw ng mga hapon.

"Ay naku wag na lang po. Salamat na lang. Hindi ko maintindihan yung pera nila dito?" Nalilito pa rin ako sa sinabi niya. Doble?

"Oh sige ikaw bahala. Yung pera nila parang 50 cents lang satin. Example kung 100 yen, katumbas ng 50 pesos sa pera natin." Gets ko na!

"Ah. Alam ko na! Hehe." Tiningnan ko naman siya at nakatitig naman siya sakin. Ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin si Zach.

"First time mo lang ba makapunta dito sa japan?" Obvious ba?

"Ah. Oo eh. Nakalimutan kong isearch kung magkano ang pera nila dito. Hehe." Hawak hawak ko parin yung stuff toy na malaki ang mata. Ang cute niya! Ang lambot pa ang sarap yakapin.

"Ah. Kaya pala. Karamihan kasing mga pinoy dito medyo alam na ang mga bagay bagay sa japan." Nakangiti niyang sabi. Ok. Gwapo talaga siya.

"Ikaw dito kaba naninirahan?"

"Oo. Almost 1 year palang." Tumingin ako sa kanya at nahuli ko na naman siyang nakatitig sakin. Si kuya may crush ata sakin. Lakas ng pakiramdam ko. Haha.

"Ah. Marunong kang mag nihonggo?" Ako kasi hindi marunong eh.

"Oo. Hindi kasi sila nakakaintindi ng english. Yung iba lang naman. Pero halos 80 percent na tao ang hindi alam ang english. Oh sige una na ko. Bye. Nice meeting you." Nyeh. Nagpaalam agad. Gusto ko pa siyang kausapin kaya lang umalis na.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon