Chapter 22
Tinawagan ako ni Sam na may reunion daw kaming magpipinsan. Na-excite naman ako sa binalita niya dahil makikita ko na ulit ang mga pinsan kong nasa ibang bansa. Aniya magbabakasyon lang sila dito ng dalawang linggo kaya susulitin nila ng sobra ang pagpunta dito.
Mabuti na lang at sabado ngayon at makakasama si Andrew. Isang linggo na ang nakalipas ng maging kami. Take note: October 9, 20xx naging kami. Malapit na rin ang sembreak ni Zach at Andrew. Kay Andrew 1 week lang kay Zach ay 3 weeks hindi ko alam kung ano ang plano niya.
Nakapag ayos na kami ni Andrew at lumabas na ng kwarto nadatnan naman namin doon si Zach na naka formal attire may pupuntahan ata? Balak ko pa naman sanang isama siya samin. "San ka pupunta Zach?"
"Asikasuhin ko lang ang kompanya. Kayo san kayo pupunta?" Aniya at inaayos ang neck tie niya ngunit hindi niya ito maayos kaya lumapit ako sa kanya para ako na mismo ang mag ayos nito.
"Pupunta kami sa bahay ng pinsan namin may reunion daw kami. Isasama sana kita ngunit may lakad ka eh." Tumingin naman siya sakin kaya napatingin na din ako sa kanya habang inaayos ang tie niya. Nakita ko naman ang light gray niyang mata.
"I'm sorry kung hindi ako makakasama. But hahabol ako sainyo siguro mga lunch tapos na ako. Hanggang anong oras kayo doon?" Hinawakan niya naman ang pisngi ko at hinahaplos ito. Simula ng naging kami napaka possessive niya sa lahat ng bagay kahit kay mikmik. Napaka sweet niya na din at laging hindi nawawala sa tabi ko maliban lang kapag may pasok ngunit tinatawagan niya naman ako.
"Baka gabihin na kami kaya maganda kung susunod ka. Ikaw na rin ang maghatid samin para alam mo kung saan ang pupuntahan namin." Natapos ko naman ang pag tie sa kanya.
"That's a good idea. Ok. Shall we?" Aniya. Hinawakan ko naman si Andrew at sabay sabay kaming pumunta elevator at sa kotse niya. Tahimik lang kami sa sasakyan. Tinuro ko naman kung saan iyon at tinext na si Sam na papunta na kami. Nagreply naman siya agad at sabi niya andoon na daw siya hintayin niya na lang kami sa labas.
"Zach tawagan mo na lang ako kapag pupunta ka ah." Ani ko at lalabas na sana ng sasakyan ng bigla niya kong hawakan sa braso. Andito na kasi kami sa sinasabi ni Sam. Nauna ng lumabas si Andrew kaya dalawa na lang kami dito sa kotse niya. "Why?"
"Nothing. Just be careful if I was not around to see and protect you. Can you do that for me babe? Please." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ang sweet niya talaga. He never fails me to smile like there was no tomorrow. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya kung ganyan siya ka sweet.
"Of course. I will. Ikaw din. You must be be careful too. Take care Zach. I'll wait you until you come. Understood?" I said with my sweet tone. He smiled widely to me and hug me. I hug him back.
"Of course boss!" Aniya at nagsaludo pa na parang sundalo. Napatawa naman ako sa kanya. "Ang dami mo namang endearment sakin." Napatawa naman kaming dalawa dahil sa kalokohan namin.
Hinalikan niya naman ako sa noo. "Go ahead. Andrew might kill you because you took so long inside this car. Careful. I love you." Aniya.
"I Love you too. Bye. Drove safety." Sinarado ko na ang pinto ng kotse at baka hindi ako makapag pigil at umuwi na lang ako sa bahay kasama siya. Oo lagi siyang nag i-i love you sakin at gumaganti rin naman ako. Bakit ko pa ililihim na mahal ko siya? Eh ramdam niya naman iyon. Pagsagot lang ng i love you niya ay isang masayang impact sakanya iyon kahit hindi naman talaga ito tanong. Ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko baka sumabog lang at masayang.
"Ate tara na. Ang tagal mo." Iritadong sabi ni Andrew at bigla akong hinila papasok sa bahay nila Cyrus. Ang laki ng bahay nila. Sa labas ay may malaking pool at garden. Nakita ko naman ang mga pinsan at mga tiyahin ko na nag aayos ng mga pagkain. Meron pa ngang nag iihaw.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficción GeneralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen