Chapter 33 (Sino Siya?!)

4.7K 82 8
                                    

Chapter 33

"Babe wag ka muna bumili ng mga gamit ni baby hindi pa natin alam kung ano gender niya." Sabi ko sa kanya. Andito kasi kami sa mall sa department store. Pumunta siya sa mga damit ng pang babies.

"I'm really sure that our baby is boy." Aniya habang pumipili ng damit ng bata na panglalaki. Hindi ko naman mapigil dahil ang saya saya niya habang pumipili ng mga damit.

"Babae yan babe. Malakas dugo ko. Ikaw din baka magsisi ka." Panunuya ko sa kanya. Hindi pa kasi malalaman yung gender dahil mag ti-three months pa lang si baby.

"Edi we make our 2nd baby and I'll make sure that is a boy." Nakangisi niyang sabi. Hinayaan ko na lang siya dahil hindi naman magpapapigil.

Tumitingin ako habang siya panay dampot ng mga kung ano ano at nilalagay sa cart. Naalala ko pa dati na bumili ako ng dress ng pangbata. Nasa akin pa yun. Sana babae ang anak namin pero kahit babae man o lalaki ok lang sakin.

Nakaramdam naman ako na parang naiihi ako. "Babe cr muna ako." Sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin.

"Samahan na kita." Aniya umiling iling naman ako para sabihing wag na.

"Wag na. Jan ka na lang. Dito ka lang banda ah para madali kitang mahanap mamaya." Ani ko.

"Are you sure?" Hindi siya kumbinsido na hayaan akong mag isa. Alangan na sumama din siya sa loob ng banyo.

"Oo nga. Saglit lang ako." Tumango lang siya at tumalikod na ako. Naghanap ako ng cr na malapit dito ngunit wala akong makita.

"Excuse me miss. Where's the cr?" Tanong ko sa mukhang sales lady. Naka uniform siyang pang sales lady kaya sigurado ako.

"Ay mam. Dun po malapit sa cashier 7 sa gilid po mam." Magalang na sabi niya at nginitian ako. Ngumiti din ako sa kanya.

"Thank you miss." Dali dali naman akong pumunta sa tinuro niya at madali ko naman itong makita. Pagkapasok ko ay konti lang ang tao buti naman.

I wore simply dress and it's color pink with pair of plat sandals na kulay pink din. Puro dress na kasi ang sinusuot ko gusto ko kasi ng maluluwag.

Habang naghihintay ako na ako na ang mag ccr ay may napukaw naman ang mata ko. Ang gandang babae ngunit mukhang masungit. Nakasuot siya ng fitted na jeans na kulay black at ang damit niya ay fitted din na hanggang pusod lang kaya medyo kita ang pusod niya. Lumitaw ang kaputian niya na bumagay sa kanya.

Lahat ng babae ay nakatingin sa kanya at manghang mangha. Sobrang ganda niya kasi. Naka pony tail ang red niyang buhok na hanggang dibdib ang haba na kulot sa dulo. Ang mata niya ay kulay asul at mapaghahalataang may lahi ang isang to.

Lumipat na ang tingin ko ng makita ko siyang pumasok na sa cubicle. Its my turn para pumasok sa cubicle. Umatras na ata ang ihi ko.

Mabilis din naman akong natapos at lumabas na baka hinahanap na ako ni Zach ngunit hindi ko siya makita. Nilibot ko pa ang paningin ko at lumuwa ang mata ko ng may nakita akong babaeng kausap niya.

Nagmadali naman akong naglakad papunta sa kanila at laking gulat ko na ito yung babae sa cr kanina. Magkakilala sila pero paano.

Hindi ko makita ang expression ni Zach dahil nasa likod niya ako. Yung babae naman ay nakangisi. Nakakatakot yung ngisi niya. Ang creepy.

"Can you please leave? Don't you dare show me again your freaking face. " Mahinang sabi ni Zach ngunit nakakakilabot. Ang lamig. Bakit? Anong nangyayari? Magkaano ano ba sila?

Hindi ako kumikibo at pinapakiramdaman ko muna sila. Bakit parang ang laki ng galit ni Zach dito sa babae? Bakit may past ba sila? Yung babae ay patuloy parin sa pag ngisi. Ang creepy niya kahit ang ganda ng mukha niya.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon