Chapter 17
Kinuwento ko lahat lahat sa kanya. Simula ng pinalayas kami hanggang sa pinatira kami ni Zach at binigyan niya ako ng trabaho. Tahimik lang siyang nakikinig saakin at walang kaemosyon emosyon. Naikwento niya din saakin kung bakit kami pinaalis. Napagbintangan na ako daw ang nagnakaw ng mga alahas ni tita.
"Eh sino ba talaga ang nagnakaw nun?" Tanong ko. Napapaisip kasi ako kung sino ang gagawa non. Hindi namang pwedeng si Andrew.
"Yung katulong." Aniya at napalaki naman yung mata ko sa gulat.
"What?! Paanong nangyari iyon?" Hindi makapaniwalang sagot ko at unting unti ng naliwanagan. Kaya pala nung tumingin ako sa gawi niya nung pinapalayas kami ay napakasama ng ngisi.
"Siya yung nagsabi sa mom ko na ikaw daw ang kumuha kaya. Nagalit ng sobra si mom kaya niya agad nagawa iyon. Nagpaimbistiga ako at nalaman ko ang totoo." Tumango tango naman ako sa sinabi niya. Napaka salbahe pala ng babaeng iyon. Akala ko ay mabait.
"Ano na ang nangyari sa kanya? Kamusta si tita?"
"She's fine. Oh the maid? She was in a jail. Pinapakamusta ka pala ni mom. Nagsisi sa ginawa niya." Aniya at humigop ng kape.
"Naku ano ba yan. Ok lang. Sabihin mo ok lang ako." Tumango tango lang siya bilang tugon.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang maghapon. Nagtataka nga ako bakit wala siya sa school. Mabuti at wala akong ginagawa atleast nakapagkwentuhan kami ng saglit. Namiss ko ang kapilyuhan ng pinsan ko. Pinagtitinginan na nga kami dito pero hindi sila umiimik.
Nagpaalam naman agad siya dahil may pasok daw siya ng 5pm to 8pm. Kaya pala ang haba ng oras na tumambay dito. "Sige ingat ka Sam ah! Kita ulit tayo. Text kita." Kumaway naman siya at pumasok na ng kotse niya.
Maaga akong nagising at balak na hindi pumasok dahil balak kong magbake at magluto. Napagdesisyunan ko na lang nag magluto. Gusto ko sanang surprisahin siya at pumunta sa school niya.
Nag umpisa na akong magbake ng cookies and cupcakes habang pinapaalsa to nagpainit na ako ng tubig para sa pasta. Mga ilang oras ay natapos ko na din ito. Nilagay ko na siya sa lalagyan.
Mag lulunch na kaya dapat maibigay ko na ito sa kanya. Naglagay din agad ako ng kay Andrew. Siya muna ang dadalhan ko bago si Zach.
Nag umpisa na akong maglinis at bumaba na para makapag drive papuntang school. Marunong na akong magdrive pero hindi ganun kagaling.
Dahan dahan lang akong nagmamaneho para safe. Nakadress ako medyo napapadalas na ang pag suot ko ng dress. Tinext ko naman si Zach at tinanong kung nasaan siya. Ilang minuto din ay nasa school na ako pero wala paring reply si Zach.
Nagpark ako sa labas lang ng school dahil sasaglit lang naman ako. Papasok na ako ng bigla akong harangin ni manong guard. "San po tayo miss?"
"Ihahatid ko lang ang lunch ng kapatid ko at a-asawa ko." Sabay pakita ng mga dala ko. Medyo nailang ako sa sinabi ko na asawa kuno. Pati si manong guard lumaki ang pakwan niyang mata.
"Ano ho ang pangalan.?" Aniya at parang may itatype sa computer. Dito kasi bago ka makapasok ay kailangan ka munang suriim bago makapasok. hitech na kasi ang mga technology dito.
"Yung sa kapatid ko ay Andrew Dela Uy, Yung sa a-asawa ko ay Zach Scott." Naiilang pa rin akong banggitin yung asawa sa harap ni kuya. Mas lalong lumuwa yung pakwan niyang mata ng banggitin ko ang pangalan ni Zach.
"Asawa mo si Sir Zach?" Diretsong sabi niya.
"Opo. Pwede na po ba akong pumasok?"
"Ok." Aniya at panay ang tango saakin.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen