Chapter 45
8 years ago.....
"Mama! Si Kuya oh!" Sumbong ni Zhanny habang papalapit sakin.
"Oh bakit anak? Ano na naman ang ginawa ng kuya mo sayo?" Tanong ko sa kanya. Ng nakalapit siya bigla niya naman akong niyakap sa bewang.
"Inaasar niya na naman ang favorite group ko! Nakakainis na siya!" Here we go again.
"Anak. Tama na ang pag da-day dream sa kanila. Bata kapa adik ka na jan. Tara na kumain na kayo at papasok pa kayo." Kumalas naman ng yakap sakin si Zhanny.
"Mommy naman eh! Wag mong maliitin nasasaktan ako." Aniya na umaarte pa na parang nasasaktan.
"Anak. Hindi ko naman nilalait. Bata mo pa alam mo na yang mga yan! Grade 2 ka palang anak." Pinaupo ko na siya at hinainan na ng pagkain.
"Good morning mommy!" Sigaw na bati ni Chand at hinalikan ako sa pisngi.
"Good morning anak! Umupo kana dito. Tatawagin ko na ang papa niyo."
"Sama ako ma!" Sigaw ni Zhanny at humabol sakin.
"Ako din mommy!" The end pinasama ko na silang dalawa. Wala naman akong magagawa eh makukulit tong dalawa kong anak.
Ng makarating kami sa kwarto bigla naman silang tumalon sa kama at biglang sinakyan ang papa nila.
"DADDY! WAKE UP!" Sigaw ni Chand. Natawa naman ako bigla ng biglang nagising si Zach. Muntik pa ngang mahulog ang mga bata mula sa likod niya.
"Good morning babe." Tumingin naman siya sakin kaya nginitian ko naman siya at kinawayan. Ang cute lang nilang tingnan.
"Hey babies! Good morning!" Bigla niya namang niyakap ang dalawa at tsaka pinaghahalikan. Lumapit naman ako sa kanila at tsaka nakisali.
"Sali naman si Mama." Niyakap naman ako ni Zach at tsaka pinaghahalikan sa buong mukha ko. "Ano kaba babe! Andito yung mga bata!" Ani ko.
Bigla naman akong tumili ng kiniliti nila akong tatlo. "Tama na. Hahahaha! Ta-hahahaha! Babe!!" Tawa ako ng tawa dahil nga malakas ang kiliti ko sa tagiliran.
"Ate Andito na ko." Narinig kong sigaw ni Andrew.
"Halika dito Andrew. Pagtulungan natin ang tatlo." Buti na lang nakatakas ako sa kanila.
Hinawakan naman ni Andrew ang dalawang bata at ako naman ang nagkiliti sa kanila. "Mommy! Hahaha! Stop! Stop-hahahaha!" Ang lakas tumawa ni Chand daig pa yung kapatid niyang babae.
Lumapit naman ako kay Zach kaso biglang tumakbo kaya hinabol ko siya hanggang sa kusina. Nasa baba na pala kami naka kwarto. Tumigil siya kaya napatigil din ako. Nakakahingal.
"I give up. Haha." Aniya kaya lumapit naman siya sakin at niyakap ako. "I love you babe." Bulong niya sa tainga ko kaya nakiliti naman ako.
"Ang corny mo babe." Ani ko at tsaka siya piningot sa tainga.
"Ouch! What was that babe?" Aniya habang nakayakap pa rin sakin.
"Maabutan pa tayo ng mga bata. Tara na. Kumain na tayo baka malate pa yung mga bata." Ani ko at kumalas sa yakap niya. Kinikilig kasi ako eh.
"Babe. Mamaya. Pag alis ng mga bata." Aniya. Tiningnan ko naman siya at bigla ba namang kumindat sakin at napakalaki ng ngisi. Bigla naman akong napatalikod.
"Che! Manahimik ka. Pervert!" Ani ko at naglakad na papuntang hapag.
"Woah. Wala pa akong sinasabi. Ikaw. Do you want babe? Sundan na natin si Zhanny." Aniya at kumindat na naman sakin. Feeling teenager naman to si Zach. Eh 30 na nga siya.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Narrativa generaleGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen