Chapter 31
"Ano nga pala yong sasabihin mo babe?" Nakangiti niyang sabi. Kung titingnan mo siya at parang natutunaw yung puso mo because the way he smile. Ang sayang makita na sobrang saya niya. Ngayon ko pa lang siyang nakitang ganito.
Pero teka? Ano nga pala iyong sasabihin ko? Pero siguro hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin yon. Tyaka na kapag dalawa na lang kami.
"Ah. Wala. Hehe." Ilang na tawa ko. Lumapit naman sakin si Sam at Andrew. Si Andrew naman pasimpleng hinawakan yung tiyan ko kahit maimpis pa ito. Hindi ako makapaniwala na magkakaanak na kami.
"Ate excited na kong lumabas si baby. May makakalaro na ako." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Finally couz! You did it! I'm happy for you." Eto na naman ang traydor kong luha. Natotouch lang naman ako. Kaya pala nag iiba ugali ko. Minsan nasosobrahan na sa pagkapraning. Kaya pala. I'm pregnant.
"Do you want something? Do you want to eat?" Ani Zach na parang natataranta. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa ginagawa niya.
"Hms. I want ice cream cake." Nagka-crave na naman ako sa ice cream cake. Yum. Napadila naman ako sa gilid ng labi ko na parang takam na takam.
"Ok. I'll buy you. Anong flavor?" Ano bang masarap. Aha! Mango na lang. Para hindi na rin siya mahirapan.
"I want mango flavor. Hehe." Nagpaawa effect pa ako.
"Sure wait me here. Sam ikaw ng bahala kay Zoey." Aniya at tinapik si Sam sa balikat.
"Oo naman." Mukhang close na close na sila ni Zach. "Thank you! Ingat ka Zach!" Lumabas na siya ng tuluyan.
"How was your feeling?" Tanong ni Sam. Ok lang ako masyado silang nag aalala sakin.
"I'm fine. Ang oa niyo lang."
"Nag aalala lang naman kami ate." Naguilty tuloy ako. Napaka moody ko na. Ganito ba kapag buntis?
"Eh. Basta! Uuwi na tayo may pasok ka pa bukas." Ayoko na dito sa hospital.
"Ok. Hintayin na lang natin si Zach." Ano na ang plano namin? Magpakasal? Masyado pang maaga tsaka 2nd year college palang siya. Tsaka ko na lang yan isipin kapag nagkapag usap na kami.
Sabi ng doktor pwede na daw akong umuwi. Doon ko na lang din kakain yung mango ice cream na binili ni Zach.
"Nga pala Sam anjan pa ba sila Chasellyn?" Tanong ko. Iaabot ko na din yung mga pasalubong kung sakaling anjan pa sila pero tanda ko baka nasa states na sila.
"Wala na. Si Nielle na lang nagpaiwan eh. Aasikasuhin niya daw yung paglipat dito next year." Ah so nakapag desisyon na siya na dito mag aral ng college. Good to hear.
"Ah. Ganun ba? San siya tumutuloy ngayon?" Dumating na si Zach dala ang ice cream cake.
"Sa pagkakaalam ko kela Cyrus daw." Napaisip pa siya bago sumagot. Gusto ko ring puntahan si Cyrus. Siguro baka bukas na lang. Inayos na ni Zach ang bills at lumabas na kami ng hospital.
"I gotta go! Bye Zoey! Zach una na ko. Andrew bye!" Paalam niya samin. Wait. Teka. Sandali. Saglit.
"Where's my car?" Hindi ko kasi nakita eh. Yung kay Sam dala niya yung kanya. Kay Zach naman yung kanya din. But where's mine?
"Nasa bahay. Daanan mo na lang bukas. Bye." Bukas ko na nga lang kukunin.
"Ingat Sam!" Sumakay na kaming tatlo sa kotse ni Zach. Nasa front seat ako at sa back seat si Andrew. Gabi na pala.
"Babe I'm happy for us. Finally magkaka-anak na tayo!" Tuwang tuwang sabi ni Zach habang nagmamaneho pauwi.
"Ako rin naman eh. Hindi ako makapaniwala. Ang bilis. Ang tinik mo talaga." Natawa naman kaming pareho sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen