Chapter 44
"Ano sa tingin mo babe?" Tanong ko kay Zach na nasa tabi ko.
"Nice." Aniya kaya tumango na lang ako. Andito kami sa apartment na titirhan namin. Dala na namin ang lahat ng gamit namin at aayusin ko na lang ito mamaya.
Nagtataka si Andrew kung bakit kami lumipat, pinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat ngunit yung iba ay kasinungalingan. Sinabi ko na na bankrupt ang kompanya nila at kailangan naming magtipid. Mabuti na lang matalinong bata si Andrew at naiintindihan niya ang lahat.
"Hi baby! Eto na ang bagong bahay natin. Kahit hindi ganun kaganda ang bagong bahay natin ok lang basta magkakasama tayo at mamumuhay ng tahimik." Ani ko at hinihimas ko ang malaki kong tiyan.
"Hi baby. I'm sorry if i can't give you a good future but i promise i'll give you all my time and of course my love. Aalagaan ko kayo na mommy mo. I love you." Aniya at paluha na naman siya. Niyakap niya naman ako at bumulong ng i love you.
"I love you too babe. Wag ka na ngang magdrama. Hindi bagay sayo tara na nga." Ani ko at ngumiti sa kanya. Hinatak ko naman siya papasok ng kusina.
Ano kayang masarap lutuin ng mas ma in-love sakin si Zach hihi. "Arghhh!" Sigaw ko sabay hawak sa tiyan ko.
"Babe? What happened!?" Natatarantang sabi ni Zach.
"Wala to babe. Sumakit lang tiyan ko. Pero ok na ako." Kahit hindi pa ako okay. Ayoko lang mag alala si Zach.
"Are you sure? You want me to take you to the hospital? Manganganak ka na ba babe?" Ayoko. Gagastos pa.
"Sira ka talaga. Hindi pa. 2 weeks pa remember? Excited ata si mister. Masakit lang sumipa ang anak mo. Ok na ko babe." Nginitian ko naman siya para ma satisfied siya sa sinabi ko.
"Are you sure babe?" Tanong niya pa ulit na parang naaawa sakin.
"Yes. Sige dun kana magluluto lang ako." Pagtataboy ko sa kanya.
"Ok. Sarapan mo babe. I love you." Hinalikan niya naman ako sa noo at tsaka umalis. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Kailan kaya kami magpapakasal? Ay ewan.
Magluluto na lang ako. Ano bang masarap iluto? Aha! Alam ko na. Mag sisinigang na corn beef na lang ako! Gusto ko yun. Teka baka walang ingredients sa ref.
Binuksan ko naman ito at tama nga ako. Wala nga. Nakalimutan kong kakalipat lang namin. Bumalik ako sa sala at naabutan kong nanunuod ng basketball si Zach.
"Babe?"
"Hm?"
"Supermarket tayo? Wala palang laman yung ref." Tumingin naman siya sakin na parang malungkot.
"Wala akong pera dito babe. Pasensya na. Uutang na lang ako. Wait a minute." Ah. Yun pala ang dahilan niya. Nakakahiya tuloy kay Zach. Parang umaasa lang ako sa kanya.
Naglabas siya ng phone ngunit pinigilan ko siya. "Wag na babe. Ano kaba may pera pa ako at may laman pa ang card ko. Remember? May coffee shop pa tayo. Tara na." Hinatak ko naman siya para hindi na siya makapag salita.
Nasakin pa pala ang kotse ko at hindi ko pa siya nabebenta. Mustang din ang gagamitin namin ngayon at si Zach ang driver ko. Nasa loob na kami ng sasakyan ng mag open ako ng topic.
"Babe? Ibenta na kaya natin tong sasakyan? Para may savings pa tayo at palakihin natin yung coffee shop. What do you think?" Tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
"No. I gave this to you. Just keep it. Maghahanap ako ng trabaho. Don't worry babe. Ako ng bahala. Just take care of yourself and our baby. Got it?" Tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen