Chapter 23
Nag aayos na sila ng pagkain mag aalas dose na kasi pero wala pa si Zach. Panay tingin ako sa cellphone ko kung meron na siyang text pero nanlumo ako ng wala.
Nakitulong na rin ako kela Nielle na nag aayos ng lamesa. "Hi Nielle. Kamusta?" Bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"Ate Zoey! Ngayon na lang kita nakita ah. Ikaw ang dapat kamustahin." Napangiti naman ako sa reaksyon niya.
"Ok lang ako. Ikaw kamusta buhay states?"
"Ok lang din naman ako. Ayoko na nga sa states eh. Baka pag nagcollege ako dito na ako mag aaral." Aniya at pinupunasan ang mga plato para matuyo.
"Oh. Good to hear. Sang University mo naman balak lumipat?" Tinulungan ko na din siyang magpunas ng plato dahil marami rami din ang plato dahil marami kaming nandito.
"Susubukan ko sa Javier University. Diba doon nag aaral si kuya Sam. Tsaka maganda din daw doon." Tumango tango naman ako bilang pang sang ayon.
"Maganda nga doon. Ikaw lang ba ang lilipat?" Si Nielle pala ang nakakatandang kapatid ni Chasellyn. Tatlo lang silang magkakapatid. Panganay siya sumunod naman si Cherry Ann at ang bunso ay si Chaselly. Oh i forgot to mention na may kapatid si Cyrus. Dalawa lang silang magkapatid at si Nikki ang isa yung kalaro ngayon ni Andrew.
"Hindi ko pa sigurado kung sasama yung dalawa. Enjoy ata nila doon sa states." Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Nielle bigla namang nag ring yung cellphone ko at baka si Zach na ito.
"Excuse lang Nielle." Ani ko para sagutin ang tawag. Tumango lang siya kaya naglakad ako ng konti palayo sa kanya tsaka ko sinagot yung tawag.
"Hello?" Si Zach nga to. Ako na ang unang nagsalita.
"Go outside. I'm here." Nagulat naman ako sa sinabi niya at tumingin sa labas. Napatalon naman ako ng makita ang kotse niya sa labas.
Naglakad naman ako papunta sa kanya at binaba na yung tawag. Hindi nga ko nagkakamali dahil siya nga yon. Kumatok naman ako sa bintana ng kotse niya at agad din niya naman itong binuksan.
"Bakit hindi ka nagtext na papunta kana?" Pinatay niya naman ang makina ng sasakyan at bumaba na rin.
"I don't want to bother you." Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya sagabal sakin. Tumango na lang ako at naglakad na kami papasok.
"Gusto ka nilang makilala. Ok lang ba?" Nahihiyang sabi ko.
"Of course. I wanted to meet your relatives." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sana lang ay magustuhan nila si Zach. First boyfriend ko siya at first naipapakilala sa mga kamag anak ko.
Wala pa nga kami sa loob ay bigla na silang naglapitan. Napakamot na lang ako sa ulo. Tiningnan nilang mabuti si Zach na parang sinusuri. "Iha yan na ba ang nobyo mo? Ke gwapong bata." Papuri ng mommy nila Nielle.
Tumango na lang ako sa kanila. Nagmano naman si Zach sa lahat ng kamag anak ko maliban sa mga pinsan ko. "Magandang tanghali po." Magalang na sabi ni Zach.
"Kyah! Your boyfriend is handsome ate Zoey. What's your name kuya?" Kinikilig na sabi ni Chasellyn.
"I'm Zach Scott. Zoey's boyfriend." Feeling ko mahihimatay ako sa tamis ng ngiti niya. Why so handsome Zach?
"Bro! How are you?" Bati ni Sam at nag apir pa silang dalawa. Oo nga pala nakalimutan kong magkakilala pala sila.
"Hey Sam! I'm fine bro." Nagtawanan naman silang dalawa.
"Unfortunately! You got our princess. So how many days you suffer with her?" Sinimangutan ko naman siya. Ang bait ko kaya. Tsaka anong princess ka jan.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficção GeralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen